Ai-Ai Delas Alas, Inilampaso Ang Ibang MMFF Entries
NANGUNA sa takilya sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival 2008 kahapon ang pelikula ni Ai-Ai delas Alas na Tanging Ina N’yong Lahat under Star Cinema.
Pumangalawa naman ang pelikula nina Tito, Vic and Joey na Iskul Bukol... 20 Years After ng M-Zet at OctoArts Films. Pero ayon sa aming source, malayo ang agwat ng Tanging Ina sa Iskul Bukol, almost 40% daw.
Pangatlo naman sa ranking ang pelikula nina Marian Rivera, Gerald Anderson, Kim Chiu, JC de Vera, Roxanne Guinoo na Shake, Rattle & Roll X ng Regal Entertainment.
Pang-apat naman ang Desperadas na pinagbibidahan nina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Marian at Ogie Alcasid na produced din ng Regal at idinirek ni Joel Lamangan.
Ayon pa sa report na natanggap namin, marami ang naloka sa haba ng pila ng Tanging Ina sa Alabang Town Center na isang sosyal na lugar. Umabot hanggang labas ang pila ng taong gustong mapanood ang pelikula.
Wala naman kaming natanggap na feedback about Baler na isa sa pinakamagandang pelikula for this year’s filmfest at pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Anne Curtis. Hindi rin masabi ng aming source kung ano ang lagay sa takilya ng Magkaibigan nina Christoper de Leon at Sen. Jinggoy Estrada. Wala rin daw pila sa One Night Only at Dayo.
Pero unang araw pa lang ito ng filmfest. Marami pang puwedeng mabago. Puwede pang makahabol ang Baler lalo na kapag nanalo ito ng mga awards sa December 27.
Tiyak na marami ring magiging curious na panoorin ang One Night Only dahil kontrobersyal ngayon si Katrina Halili.
~Leo Bukas
later we will watch Tanging Ina and Shake Rattle & Roll, sana may matira pa kaming pera para panoorin yung iba :D
kunyari ka pa na manonood daw, eh may pera ka ba naman? at kung meron payagan ka kaya ng amo? LOSER KA YAYA!
The best ang "Ang Tanging InA"!!!!
nag-away pa kayo pareho, eh pareho lang kayong mga KATULONG! alam ba ng amo niyo na ginagamit niyo ang computer niya? :))