'Ang Tanging Ina N'yong Lahat' currently Leads MMFF Box Office Race
>> December 28, 2008 –
MMFF,
Star Cinema
By all indication, this year's Metro Manila Film Festival (MMFF) could surpass last year's gross.
Jubilant mood ang MMFF chairman at MMDA chairman na si Bayani Fernando sa kanyang opening speech sa awards ceremony ng MMFF kagabi, December 27, sa Sofitel Philippine Plaza. Sabi niya sa kanyang speech, malamang ma-break na ang half a billion sale this year ng walong kalahok sa taunang film festival, dahil sa unang dalawang araw pa lang, nalampasan na nito ang unang dalawang araw noong isang taon ng 37 percent.
Nang nagtapos ang official ten-day screening ng MMFF 2007, nakahamig ang siyam na entries ng 305 million pesos sa takilya. Nanguna ang Sakal, Sakali, Saklolo (SSS) ng Star Cinema with 97 million; pangalawa ang Enteng Kabisote 4: Okay Ka Fairy Ko The Beginning of the Legend ng OctoArts at M-Zet with 91 million; at pangatlo ang Shake, Rattle & Roll 9 ng Regal Entertainment with 57 million.
As of January 7, 2008, umabot pa ito ng 380 million pesos. Nag-final gross ang SSS ng 122.9 million; ang Enteng Kabisote ng 104.7 million; Shake, Rattle & Roll 9 ng 68 million; Desperadas 2 ng Regal, na nagbukas ng January 1, with 35.5 million; at Resiklo ng Imus Productions, ang winner ng Best Picture last year, ng 21.7 million.
Mas mababa ito kung ikukumpara sa MMFF 2006, kung saan umabot ng 415 million pesos ang box-office take with Kasal, Kasali, Kasalo ng Star Cinema grossing 139 million.
Sa pangatlong sunod na taon, ang entry ng Star Cinema ang nanguna sa box office base sa unofficial first-day gross ng walong pelikulang nagsabay-sabay magbukas noong Pasko.
Sa report ni MMDA Chairman Fernando, may mahigit na anim na daang sinehan ang bansa natin at mahigit na apat na daan dito, isang festival movie ang ipinalalabas.
Sa nasagap naming unofficial report, Ang Tanging Ina N'yong Lahat ni Ai-Ai delas Alas ay umabot sa 20.9 million ang first day gross. Sumusunod naman dito ang Iskul Bukol: 20 Years After ng OctoArts, M-Zet, at APT Entertainment na may 18.9 million. Pumangatlo at pumang-apat ang dalawang Regal entries: Shake, Rattle & Roll X na may 13.2 million at Desperadas 2 na may 7.1 million naman. Pang-lima ang Baler ng Viva Films na may 5.3 million pesos, pang-anim ang comedy film ng OctoArts na One Night Only with 1.6 million pesos; pampito ang Dayo ng Cutting Edge Production na may 1.3 million; at pangwalo ang Magkaibigan ng Maverick Films with .62 million.
Magbabago pa ito sa mga susunod na araw sa pagkakapanalo ng sampung tropeyo ng Baler, including Best Picture, Best Actress (Anne Curtis), Best Director (Mark Meily), at Best Supporting Actor (Phillip Salvador); ang Magkaibigan na nakuha ang Best Actor (Christopher de Leon) trophy; at One Night Only na nakakuha ng Best Original Story at Best Supporting Actress (Manilyn Reyens).
Dahil star driven pa rin ang local na showbiz, dagdag curiosity sa audience para maengganyong manood ng isang pelikula kapag may acting award.
~Dinno Erece