Castoffs Marlon Carmen and Kaye Alipio justify their actions in “Survivor Philippines”
Survivor Philippines castoffs Marlon Carmen (left) and Kaye Alipio (right) were interviewed by John “Sweet” Lapus in Showbiz Central.
Last Sunday, November 30, ay nakapanayam ni John “Sweet” Lapus ang dalawa sa na-eliminate na castaways ng Survivor Philippines na sina Marlon Carmen at Kaye Alipio.
Si Marlon ang dating waiter na kinaiinisan ng marami dahil sa ugaling ipinakita niya sa Survivor Philippines. Si Kaye naman ang seksing lingerie model na trumaydor sa dati niyang kaalyansa na si Kiko Rustia.
Sina Marlon at Kaye ang 12th and 13th castaways na natanggal at pang-apat at pang-limang members ng Jury.
Si Sweet, na aminadong “adik na adik” sa panonood ng Survivor Philippines, threw his first question to Kaye. Tinanong niya si Kaye kung hindi siya na-guilty nang trinaydor niya si Kiko.
“Medyo, medyo na-guilty,” pag-amin ni Kaye. “Kasi, nag-worry ako about our friendship at baka magkaroon ng damage. Noong lumabas ako, nag-usap kami agad ni Kiko.”
Aminado si Sweet na tulad ng nararamdaman ng karamihan ay ganun din ang napi-feel niya towards Marlon. So Sweet asked, “Marlon, ano ba, anong nakain mo or anong sumapi sa ‘yo at ang naisip mong strategy ay maging bad rather than strategy ng iba na maging good?”
“Well, mas madali kong nae-execute yung mga evil forces sa mga dirty tactics kesa sa magbait-baitan ako,” sagot ni Marlon.
Ayon kay Sweet, nakuha na raw niya kung anumang gustong i-point out ni Marlon. Pero ano naman ang pakiramdam ni Marlon na siya ang most hated TV personality sa ngayon?
“Hindi talaga maintindihan ng mga tao, detractors yun, e,” sabi niya. “Kung ayaw nila sa akin, ayoko na rin sa kanila. Kumbaga sa ano, kilalanin n’yo ako kung sino ako at huwag n’yong sabihin kung ano lang ang nakikita n’yo.”
Naisip din ba ni Kaye na siraan yung ibang mga kasamahan niya na castaways para sila yung iboto ng kasama nila?
“Nagawa ko ‘yan kay JC [Tiuseco], kay JC lang,” sagot ni Kaye.
Sweet asked Marlon kung magaling lang daw talaga itong dumiskarte kaya nagawa yun?
“Honestly speaking, magaling lang talaga ako,” diretsong sagot niya.
Tinanong naman ni Sweet si Kaye kung mali ba ang impression ng mga tao kay Marlon. “Hindi ba talaga namin siya dapat na kamuhian?” ani Sweet.
“Kung sa paningin talaga ng mga tao sa mga survivor, pati ako, nagagalit sa kanya. Pero kung makikilala n’yo rin si Marlon sa personal, actually, si Marlon lang ang isa sa mga castaway na pinagkakatiwalaan ko ng secrets ko. Mabait talaga siyang tao, down to earth. Lahat talaga ng mga ipinakita niya sa Survivor, wala lang, strategy lang yun.”
At press time, kasama na rin nina Marlon at Kaye si Zita Ortiga, na vote out kagabi.
ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal
FLOP