Katrina Halili, Magaling Mangabayo sa $ex Video
>> December 24, 2008 –
Katrina Halili,
Rufa Mae Quinto
HINDI na namin hinintay si Katrina Halili sa premiere night ng One Night Only sa SM Megamall nu’ng Lunes dahil nasa taping pa ito ng Gagambino.
Hindi sigurado kung aabot siya dahil kailangan pa siya sa ilang eksena.
Nagtiyaga pa rin ang ibang reporters sa paghihintay para makunan ito ng pahayag tungkol pa rin sa break-up nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho.
Mainit ang isyung sex video nina Hayden at Katrina, kung saan ang galing-galing daw ‘mangabayo’ ni Katrina. Ang nasabing sex video ay nasa computer laptop daw ni Hayden, na hawak daw ngayon ni Dra. Vicki Belo.
Kaso, hindi na raw magsasalita si Katrina para hindi na raw humaba ang isyu.
Maayos daw silang nagkausap ni Dra. Belo.
Ang pagkakaalam ko, hindi na kay Katrina irita si Dra. Belo kundi kay Rufa Mae Quinto na dahil todo-deny pa rin daw ito sa isyu nila ni Dr. Hayden.
Nagsalita na raw si Dra. Belo kay ‘Nay Lolit na kung patuloy pa rin sa pagde-deny si Rufa Mae, baka maglabas na siya ng ebidensya.
Anyway, dumating sa premiere night si Kris Lawrence bilang suporta kay Katrina. Hindi raw nabago ang pagtitinginan nila ng mga isyung naglabasan. Hindi raw nila ito pinag-usapan ni Katrina dahil hindi raw ito seryosong isyu sa kanila.
Maayos daw nilang napag-usapan ito minsan at pinagtawanan na lang daw nila ito ngayon.
Patuloy pa rin daw ang kanilang relasyon at ni katiting ay wala raw siyang pagdududa kay Katrina.
Hindi raw siya naniniwala sa mga naglalabasan. Ang tanging pinapaniwalaan daw niya ay si Katrina. Kunsabagay, ang pagkakaalam ko, wala pa nu’n sa eksena si Kris nang ma-involve si Katrina kay Dr. Hayden.
Ang latest na narinig ko, kahapon lumabas si Dr. Hayden sa Makati Medical Hospital at kasama raw nito ngayon ang kanyang pamilya.
~Abu Tilamzik
hmmmm by d way kya ng deny si rufa mae quinto dahil totoo naman at saka kay katrina na isyu dapat e stop nah nila dahill totoo naman un lahat kitang-kita naman diba un lang ang comment