Luis Manzano Calls Angel Locsin His "Lucky Charm"
>> December 20, 2008 –
Angel Locsin,
Luis Manzano
Most people believe na kung suwerte ang isang tao sa kanyang lovelife, malamang na malas naman siya sa kanyang career. But Luis Manzano seems to be an exception to the rule.
Kahit wala pang kumpirmasyon sa totoong estado ng relasyon nila nina Luis at Angel Locsin, very visible naman sila sa showbiz gatherings. Aminado ang TV host-actor na si Angel ang itinuturing niyang "lucky charm."
"Even kay Angel, sinabi ko sa kanya na lucky charm ko siya. After na nagkasama kami at lahat-lahat, dumating ang mga projects ko, endorsements... So thankful talaga ako sa kanya," saad ni Luis nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
2008 has been a good year for Luis. Sunud-sunod ang product endorsements at TV shows niya. Recently naman ay nagkapirmahan na ng kontrata para sa pelikulang pagsasamahan nila ng kanyang ina na si Gov. Vilma Santos at si John Lloyd Cruz.
Sa ganda ng tinatakbo ng career ni Luis, nagbitaw ng pahayag ang Star For All Seasons na boto raw talaga siya kay Angel para sa anak. Bukod daw sa nakikita niyang masaya si Luis, alam niyang good influence ang dalaga sa anak.
Nang tanungin nga lang namin ang totoong relasyon nila ni Angel ay bitin pa rin ang mga sagot ni Luis.
"Kung mayroon tayong kapamilya at nakikita nating masaya, kung sinuman ang nagpapasaya na yun, definitely we're gonna like the person, and pasasalamatan natin siya sa magandang epekto niya sa taong yun. All I can say is that we're very, very happy mula sa progression namin dati. Basta masaya kami kung anuman ang estado namin ngayon."
Kinumpirma ni Angel na nag-celebrate siya ng Bagong Taon last year sa Lipa City, kasama ang pamilya ni Luis. Pero ngayon ay makakasama naman daw ng aktres ang kanyang sariling pamilya para salubungin ang 2009.
Ano naman ang gift niya for Angel this Christmas?
"I have something in mind na, kumbaga, dino-double, triple check ko na lang kung yun ba ang magugustuhan niya," sagot ni Luis.
~Melba Llanera
go luis!
Dear Luis,
ingat ka kay Angel Locsin, manggagamit yan. mahilig sa mayaman. Pagkatapos sa mga Sotto, kay Piolo naman di umubra! sa anak ng Vilma Santos, naman ngayon.
Love,
ate guy
i like angel kahit nung nasa kabila pa xa,napaka genuine nia lahat ng movie etc. nia nag lo look forward ako & i think luis & angel look good together....
Am anticipating Luis will fall out of love with Angel and so with Angel falling in love with another guy coz i don't think they look good together. I think Luis is too good for Angel. What do you say? I like Angel too you know, she is beautiful except not for Luis.
ingrata si -----
- Lola Marian Rivera