Matt Evans And Carlo Guevarra Joined The Cast Of TV5's 'Lipgloss'
Dalawa ang umalis, dalawa naman ang pumasok sa ending ng second season ng nag-iisang teen show sa reformatted TV5, ang Lipgloss. Sa kalagitnaan ng second season, nawala ang Star Magic Batch 16 member na si Cheska Garcia at sumabay na rin ang partner nitong STAGES-managed at Little Big Star first winner na si Sam Concepcion.
Papasok ng magkasunod na episodes after its New Year episode ang Be Bench winner and Desperadas 2 co-star na si Carlo Guevara bilang si Jose Mari, ang makaka-triangle ng dalawang bagong artista na sina Czarina Suzara at Neil Coleta playing Julivee at Caloy, respectively.
Ito ang unang TV show ni Carlo sa labas ng kanyang Kapamilya network.
Susundan naman siya ni Matt Evans na gaganap bilang si Nikko Lopez, isang artistang nag-shoot ng pelikula sa eskuwelahan ng mga bidang bagets. Pinsan ng kanyang character si Kyle Lopez, na ginampanan naman ni Sam at may-ari rin ng eskuwelahan.
Unang ibinibigay ng Star Magic ang kapatid ni Rodjun Cruz, na kasali na sa cast, na si Rayver Cruz. Ngunit nagbago ang desisyon ng star department ng ABS-CBN dahil may gagawin ang binata na bagong show sa istasyon nila—ang nababalitang local version ng Twilight bilang ang bidang lalaki na si Edward Cullen, at pagbabalik tambalan nila ni Shaina Magdayao.
Ito ang pangalawang TV5 show ni Matt dahil lumalabas din ang dating Pinoy Big Brother Teen Edition housemate sa sitcom na Hapi Together. Bale ito rin ang reunion show nila ng mga co-housemate niya sa PBB na sina Mikee Lee at Fred Payawan na mga regular cast ng Lipgloss.
Ilan pa sa napagpilian para sa dalawang bagong roles sa Lipgloss ay ang tatlo namang housemates sa second season ng PBB Teen edition na sina Ejay Falcon, Robi Domingo, at Josef Elizalde. Hindi pumuwede si Robi dahil may ginagawa na itong mga shows sa sister stations ng ABS-CBN na MYX at Channel 23.
Isa namang homegrown talent ng TV5 ang na-introduce sa Lipgloss in its Christmas episode, si Jessa Joy Mendoza. Produkto si Jessa ng Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo at malakas ang naging hatak niya sa audience dahil sa kanyang galing sa pagkanta. Gumaganap siyang si Carla, ang kapatid ng baguhan ding si Neil.
Napapanood ang Lipgloss sa TV5 tuwing Sabado ng alas-sais ng gabi bago ang Talentadong Pinoy. Wala pang balita kung bibigyan ito ng third season.
Ang Lipgloss at Midnight DJ lang ang dalawang non-station produced shows sa TV5 na nabigyan ng second season sa mahigit kalahating dosenang non-station produced shows na nagbukas noong nagsimula ang ABC-5 sa bago nitong pangalan na TV5.
~Dinno Erece
sayang!!!!!!!!!!!!! Sana si Robi na lang yung pinili kesa jankay Matt,, tsaka eto comment ko ha? yung girl na kapatid ni Caloy ang syonget naman, parang wala lang. Eh ano kug galing yung sa talentadong pinoy...!!
Sana yung maganda naman, atleast yung kapantay ng beauty ni Ziggy!! :D
sana tinamaan na si caloy kay jose mari kc super kind kc si jose mari kay caloy dio ba???
yay! may show na rin si ejay falcon, i really missed him. sana pagbigyan siya ng abs-cbn ulit kahit mejo eengot engot eh mukhang mabaet naman
bakit namn tinanggal yung character ni matt?eh siya lng ang mukhang artista dun