MMFF Awards Night, Tinipid!
>> December 29, 2008 –
MMFF
Cry si Anne Curtis sa best actress award na ibinigay sa kanya. Hindi expected at hindi umasa si Anne na mananalo siya dahil magagaling ang mga kalaban niya.
Win si Phillip Salvador ng best supporting actor trophy. Ang role niya sa Baler ang nagbigay sa kanya ng best supporting actor award.
Best picture ang Baler, best director si Mark Meily (Baler), best supporting actress si Manilyn Reynes (One Night Only ) at best child actor si Robert Villar ( Iskul Bukol).
Best Cinematographer si Lee Meily (Baler), best screenplay writer si Roy Iglesias (Baler), best theme song ang Lipad (Dayo), best musical scorer si Jessie Lasatin (Dayo), best story writer si Joey Reyes (One Night Only).
Best editor si Danny Anonuevo (Baler), best production designer si Abet Santos (Baler), best visual effects awardee si Robert Quilao ng Dayo at best make-up artist si Noli Villalobos (Desperadas).
Ipinalabas kagabi sa RPN 9 ang MMFF awards night. Iba na talaga ang takbo ng panahon. Hindi na uso ang live coverage ng awards night dahil nagtitipid na rin ang mga producer. Hindi na rin nagbibihis ng maganda ang mga artista dahil very expensive na ang mga gown at kung anik-anik pa.
Walang honorarium na natanggap ang mga artista na nag-present ng award noong Sabado ng gabi. Ni hindi yata sila nakatanggap ng pasasalamat mula sa produ ng show!
~Lolit Solis