Nanay ni Marky Cielo, Nanakit Ng TV Crew!
>> December 13, 2008 –
ABS-CBN,
GMA-7,
Marky Cielo
NAGKAROON ng commotion kahapon ng madaling-araw sa burol ni Marky Cielo sa tahanan nito sa Mountain Province. Napagbuhatan ng kamay ng ina ni Marky na si Mrs. Mildred Cielo ang staff member ng isang showbiz-oriented talk show dahil hindi nito pinagbigyan ang paulit-ulit na pakiusap na “privacy” ng Cielo Family.
Nangatwiran ang staff member ng showbiz-oriented talk show na bumalik lamang siya sa burol ni Marky para magpaalam kay Mildred.
Ang cameraman ng Startalk na si Gerry Tibayan ang umawat kay Mildred kaya napigilan ito sa pananakit sa staff member.
Diumano, naubos na ang pasensya ni Mildred dahil sa patuloy na pagbabalewala sa kanilang pakiusap na bigyan sila ng privacy habang nagdadalamhati sa biglaang pagpanaw ng kanyang anak.
Lalong nasaktan si Mildred nang malaman nito na ipinakita sa isang news program ang bangkay at mukha ng kanyang anak.
Isang eyewitness ang nagkuwento na parang “hide-and-seek” game ang nangyari sa loob ng tahanan ng mga Cielo dahil pasikretong pumapasok ang TV crew, at kinukunan ng kamera ang mga kaganapan sa burol.
Nagkaroon ng habulan dahil hindi maawat ang mga TV crew na ginagawa ang lahat ng paraan para makapuslit at makapasok sa loob ng bahay ng mga Cielo.
Kung mahigpit naman ang mga bantay, ang mga kapitbahay ng mga Cielo ang kanilang ginagamit. Likas ang kabaitan ng mga kapitbahay kaya hindi sila makatanggi sa pakiusap ng mga TV crew na dalhin nila ang mga video camera at sila ang mag-shoot ng mga pangyayari sa burol ng sumakabilang-buhay na aktor.
Inumpisahan na kahapon ang pagsesemento sa paglilibingan ng labi ni Marky. Ililibing si Marky sa likuran ng kanilang bahay sa Mountain Province sa Lunes pagkatapos ng 9am mass at 11am lunch para sa mga nakiramay. Ihahatid siya sa huling hantungan ng 2pm.
NAGLABAS ng official statement ang GMA 7 kaugnay sa maagang pagkamatay ni Marky Cielo:
“GMA mourns the sudden loss of Mark Angelo Cadaweng Cielo, or Marky Cielo, to his showbiz colleagues.
“A young man who has truly become more than a valued homegrown talent of the Network, but a son whose dreams should have been realized further if not for his sudden departure from us last Sunday, December 7, 2008.
“During his brief and borrowed life, Marky has been an inspiration to many; a young man who was proud of his Filipino roots, who set a good example to the modern youth, and who had high regard for his family, his tremendous potentials, camaraderie, and respect for his mentors in the industry truly made us proud of having him as our Kapuso, the Ultimate Sole Survivor as how he was once so famously called.
“For all the good memories he left, he will forever be adored and surely be missed.
“We share our prayers and condolences to the family and friends of Marky.
“May his soul, through the mercy of God rest in peace.”
~JOJO GABINETE
hay naku puro Marky Cielo, si Didith naman.