Star Cinema, Inaalat sa Metro Manila Film Festival
MASAYA kami para kay Anne Curtis na siya ang nagwaging Best Actress para sa Baler sa katatapos na 2008 MMFF awards night. Para sa amin ay deserving si Anne, na lumabas ang pagkaaktres sa papel niya bilang dalagang Pilipinang umibig sa isang sundalong Kastila sa nasabing historical drama na pinagtambalan nila ni Jericho Rosales.
Wala kaming tutol na si Christopher de Leon ang nanalong Best Actor para sa Magkaibigan dahil sinuman sa kanilang tatlo nina Jinggoy Estrada (Magkaibigan) at Jericho Rosales (Baler) ang bet namin sa kategoryang ‘yon.
Deserved din ni Phillip Salvador ang kanyang Best Supporting Actor award for Baler. Kung sa Best Actor category siya inilagay ay malamang hindi siya nanalo.
Ang dalawa pa naming choices for Best Supporting Actor ay sina Carlo Aquino (na napakahusay rin sa Baler) at Chokoleit (na standout sa cast ng One Night Only).
Agree kami na si Mark Meily ang Best Director para sa Baler, pero hindi namin type si Manilyn Reynes na nanalong Best Supporting Actress para sa tigas-tigasang tomboy role niya sa One Night Only.
Mas gusto namin si Maricel Laxa, na para sa amin ay support lang sa Magkaibigan dahil ang tunay na bida ng pelikula ay sina Boyet at Jinggoy.
Maging si Dawn Zulueta ay suporta lang ang dating sa amin at parang nakukulangan kami sa kanya sa Magkaibigan para makunsidera siya sa lead actress category, kaya tama lang na si Anne ang nanalo.
Ang mahusay na bagets actor na si Robert ‘Buboy’ Villar na nagwaging Best Child Performer para sa Shake, Rattle & Roll X ay deserving ding manalo sa isa pa niyang filmfest entry na Iskul Bukol: 20 Years After.
Paborito namin si Lea Salonga, pero in all fairness kay Sarah Geronimo, para sa amin ay mas karapat-dapat na nanalong Best Movie Theme Song ang Ngayon, Bukas at Kailanman ng Baler kesa sa Lipad ng animated film na Dayo.
Feeling namin ay akmang-akma sa pelikula at mas na-enhance pa ng awitin ni Sarah ang marubdob na drama at love story ng Baler, samantalang parang walang kadating-dating sa amin ang kanta ni Lea nang marinig namin ito sa isang eksena sa Dayo, mereseng si Lea pa ang umawit nito.
Mukhang ‘inaalat’ ang Star Cinema sa MMFF dahil pangatlong taon na ito na ipinagkakait sa kanila ang Best Picture award.
Kahit in effect pa rin ang ‘brilliant’ ruling ng filmfest na ang highest-grossing film ang tatanghaling Best Picture, hindi nagwagi ang entry ni Ai Ai delas Alas na Ang Tanging Ina N’yong Lahat (na undisputed topgrosser bago ginanap ang awards night nu’ng Sabado) kundi ang Baler (na mas deserving manalo, pero ikaapat lang sa box-office ranking).
2nd Best Picture lang ang nakuha ng Ang Tanging Ina N’yong Lahat, na siya ring kapalaran ng Star Cinema entries na Kasal, Kasali, Kasalo (2006) at Sakal, Sakali, Saklolo (2007) na parehong togrosser ng dalawang huling festival.
Ang Enteng Kabisote 3 (na nag-#2 sa final box-office ranking nu’ng 2006) at Resiklo (na nag-#4 lang sa final box-office tally nu’ng 2007) ang nagsipagwaging 1st Best Picture.
Ang nakakatawa ay parang kayang-kayang ‘baliin’ ng filmfest jurors ang kontrobersyal na ruling nila, huwag lang nilang ibigay sa Star Cinema ang ‘prestigious’ Best Picture award. Bakit kaya?
‘Sabagay, sigurado namang haping-happy pa rin si Ai Ai dahil hindi man siya nag-Best Actress sa filmfest at hindi man sila ang 1st Best Picture ay siya naman nagrereyna-reynahan sa takilya!
~Allan Diones
Congrats pala sa baguhang actor na si Prince Stefan ng GMA7.... kasama pala siya sa SSR classmates episode nila Kim and Gerald and at least napansin siya ng mga jurors kasi isa siya sa nominated dun sa best supporting actor. for a first timer, magandang umpisa na ito sa starstruck batch 4 na first prince. again congrats to you Prince Stefan!!!!
Isa rin si Prince Stefan sa pinaka gwapong baguhan sa Gma 7 pero di siya napapansin ng management kasi walang kapit kay wilma galvantot lol.... pero yung mga pangit like aljur abrenica at mart escudero, daming projects kahit walang k sa mukha talaga.... ganyan kasi sa gma, palakasan sa artist center. tingnan nyo si rhian ramos, kahit walang k din, bida sa mga teledrama kasi pamangkin ni ida henares....
Prince Stefan? di ba nasa Macau siya ngayon, naghohosto! ;;) Oi chismis lang sakin yan, i verify nio rin kung nasan siya ngayon. Cute nga ang batang yan.
pogi naman si aljur ha...
Ok lang yan Star Cinema. Hindi naman talaga kasi pang-award ang TINL dahil pang box office flick talaga yun for entertainment of the whole family in Chistmas season. Baler and Dayo deserve their awards dahil pinakita nila ang tunay na kakayahan ng mga Pilipino pagdating sa paggawa ng pelikula. Congrats sa lahat!
korek! cute naman si Aljur pati si Mart, malaki nga lang ilong :)) pero mabait siya sa fans, nakita ko sa isang picture, inaakap ni Mart yung isang baklang fan na MARUNGIS! tibay ng sikmura mo boy!
Rhian Ramos is nepotism personified, walang talent, walang ganda pero may career ang bru
Congrats to ABS-CBN - Star Cinema!! OK lng kahit walang awards, mga kapamilya rin naman ang nakakakuha ng mga major awards+
hoy kapal ng mukha mo saying tigas tigasan ang role ni manilyn reynes??? ang galing nya nga doon sa movie na yung mane can't barely seen and yet she won an acting award...bakit ano ang basis mo??? people agree that manilyn reynes deserve an award for that...i don't totally agree with your comment...malaking aktress yan si mane...kudos for herhttp://us.i1.yimg.com/us.yimg.com/i/mesg/emoticons7/35.gif
nga naman MAGALING si MS.MANILYN REYNES sa ONENIGHTONLY. even si direk joey reyes na pa hanga kay ms.manilyn reynes...unfair ka sino ba ang nag sulat nito "HOY ALLAN DIONES"laht pinaburan mo mexcept MS.MANE...she deserved the acting awards...baka nga this coming mmff sya na ang maging best actress.