Allen Dizon, Marco Morales & Gwen Garci In 'Butas' (Loophole)
>> January 4, 2009 –
Movies
Nais ipakita ng Butas (Loophole) ang isang komplikadong emotional journey ng isang "weakling husband" (Allen Dizon) na may asawang nagtataksil (Gwen Garci). Ang pelikula ito ay nais ding matuntun ang mailap na katotohanan sa likod ng isang crime of passion.
Ang indie film na ito ay ang second directorial project ni Alejandro "Bong" Ramos, na siyang kilala bilang director ng pelikulang Haw-Ang (Harvest). Ang Haw-Ang, tungkol sa isang madre na nagsakripisyo upang tumulong sa mga Ifugao, ay naging best feature film sa Accolade Film Festival sa California. Nanalo rin ito ng Best Cinematography (for Paul Vincent Pangan) sa nasabing festival abroad. Ang Haw-Ang ay graded "B" ng Cinema Evaluation Board at inindorso pa ng Department of Education.
Ngayon, ibang uri naman ng pelikula ang handog ni Direk Bong Ramos. Ang hunk actor na si Allen Dizon ay hindi naghubad sa pelikulang ito samantalang bida-kontrabida naman ang newcomer na si Marco Morales bilang pulis na dating bold starlet na nambibiktima ng mga babaing nakaka-relasyon niya. Sa director's cut ng pelikula, 12 beses nag-frontal ang hunk actor na ipinakilala sa Walang Kawala ni Direk Joel Lamangan. May special role rin si Mercedes Cabral, na ipinakilala sa Cannes Film Fest entry na Serbis. Si Mercedes ang asawa ni Marco Morales samantalang ang former Viva Hotbabe na si Gwen ay ang "unfaithful wife" na nakikipagkalas na sa kanyang kalaguyo.
May special screening sa UP Film Center ang Butas (Loophole) sa January 12 (Monday) ng 7:30pm. Ayon sa mga gumawa ng pelikula, kung makakapasa ang mapangahas na mga eksena sa MTRCB ay ipapalabas ito sa selected theaters simula January 15 (Thursday).
BUOD. May madugong krimen na naganap. Pinatay ang pulis na si Virgo (Marco Morales) at ang umamin sa pagpatay ay si Jake (Allen Dizon). Pinatay daw niya ang kalaguyo ng kanyang asawa na si Maya (Gwen Garci). Ngunit dalawang bersyon ng katotohanan ang lumalalabas:
Sa unang version ni Jake, sadya raw niyang na-plano ang pagpatay kay Virgo. Sinundan niya ang asawa at ang kabit nito sa dilapidated ruins na tagpuan ng magkalaguyo.Nagtago siya sa kisame at duon niya nasaksihan ang pagtataksil ng kanyang asawa. Hindi niya natagalan ang nakita. Hindi niya kayang patayin ang dalawa lalo na ng malaman niya na buntis ang asawa at siya ang ama. Paalis na siya sa lugar na ‘yon ng makita niyang tumatakbo at humahagulgol ang asawa niya. Nagdilim ang paningin ni Jake saka niya pinagbabaril si Virgo.
Ang pangalawang version na pinakita ng abogado ni Jake sa "laptop" ay ang version ng videographer. Nabisto ni Maya na "on the act" ng kanilang pagtatalik ay kinukunan sila ng isang "videographer" na kasabwat ni Virgo. Nagwala tuloy ang babae at mari-reveal na gawain ni Virgo na magpa-ibig ng mga babae at kunan ng video ang kanilang "sexual act" saka nito ibebenta ang "scandal" para pagkakitaan.May malubhang sakit ang anak ni Virgo kaya niya nakasanayan gawin ang pananamantala sa mga nabibiktimang kabit.
Tumakas ang videographer, naiwan ang ebidensya na hindi tumutugma sa version ni Jake. Mas graphic ang detalyado ang pagtatalik nina Virgo at Maya sa version ng videographer, mas wild at malandi si Maya rito. Sa version ni Jake," tame" ang pagtatalik ng dalawa, hindi rin "wild" at ganun kainit si Maya. Kung pinagtatakpan ni Jake ang totoong Maya, si Jake lang ang makakapagsabi.
Although hindi nakunan ng videographer ang totoong nangyari sa krimen—tanging sina Jake at Maya lamang ang nakakaalam ng katotohanan. Ipapakita sa huling eksena ng pelikula ang tunay na nangyari sa krimen. Makakalaya kaya si Jake? Ano ng mangyayari kay Maya? Mabubuo pa ba ang kanilang pamilya lalo na ngayon ipinagbubuntis ni Maya ang anak ni Jake?
Yak!!! Ang pangit!!!!!!!......... X rated!!! Pweh!!!!!!!!!
shet nakakalibog
kasarap