Eat Bulaga, Nagtala Ng Bagong Record Noong 2008!
Wala nang iba pang programa o institusyon sa kasaysayan ng telebisyon sa Pilipinas ang makakapantay sa unbeatable record ng longest running noontime TV show sa bansa, ang Eat Bulaga, na magdiriwang na ng kanilang ika-30 na anibersaryo ngayong taon.
Sa natapos ng 2008, inere ng Eat Bulaga ang ika 8,817 na episode nito magmula nang magsimula ito noong Hulyo 30, 1979. Naging memorable at napaka-fruitful na taon ng 2008 hindi lamang sa programa at sa mga hosts nito kundi lalo na sa mga Filipino viewers at mga audiences na naabot ng Eat Bulaga dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Para sa taong 2008 lamang, nakapagpamigay na ang Eat Bulaga ng P75 Million in prizes sa studio contestants at text partners sa game portion nitong Taktak Mo or Tatakbo. Mayroon nang 12 winners ng P1 Million sa game segment na ito at ang mga may pinakamalaking naiuwing premyo ay sina Jay-R Rendiza ng Los Baños, Laguna at Ma. Virginia Bacoma ng Tondo, Manila na parehong nanalo ng tig-P1,055,000. Mayroon ding 22 winners ng tig-P500,000 at iba pang nag-uwi ng mga premyong naglalaro sa P20,000 hanggang P100,000 araw-araw.
Isa pang segment ng Eat Bulaga na talagang inaabangan ay ang Kontrapelo: Sa Pula, Sa Puti na nagsimula lamang ng Marso nung 2008. Dahil sa tindi ng audience participation sa larong ito, hindi kataka-takang isa ang portion sa pinakamasaya, maingay at buhay na buhay na segment ng Eat Bulaga araw-araw.
Nagkaroon din ng ilang out-of-studio shows ang Eat Bulaga sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa noong 2008.
“Isang napaka-rewarding at productive year ang 2008 para sa Eat Bulaga, at nagpapasalamat kami sa napakaraming blessings na dumating sa amin, kasama na ang bonding at friendship na nabuo dito sa show at patuloy na nabubuo,” ani Ms. Malou Choa-Fagar, Senior Vice President ng T.A.P.E. Inc.
Nananatili ang Eat Bulaga bilang number one noontime program sa bansa at nangangako si Ms. Fagar na mas marami pang dapat abangan sa Eat Bulaga lalo na sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo nito.
~PhilStar
ows? #1 sa buong bansa? kala ko ba naniniwala kayo sa ratings ng AGB?
wahahaha, patawa ang article nato.. yun lang pala. akala ko ano na.. RECORD pa?? LOL, e ang wowowe... malaking record yun, nag show sa LAS VEGAS(Thomas and MAck Center??), sa LA, sa CANADA, sa HAWAII... at sang katutak ang dumating... 20,000 audience ang average ng wowowe.. pero ang EB nyu?? SUPER FLOPPPPP!!!! kawawa naman.... AGB-GMA Rating Scam lang sikat ang EB at GMA Show, parang Networking Business na para lang sa mga TANGA.. LOL
loser ka yaya pasita,,
wala namang choice ang audience sa visayas at mindanao eh...mahina ang signal ng GMA7 dun.minsan wala pa,liban nalang kung naka cable ka. pero once na may signal ang GMA 7 dun, marami ang nanonood dun at sinasamantala namin. kaya para pair ang laban yung megamanila rating nalang ang basis, which is good...