Popular "Pinoy Showbiz Words" of 2008!
Kung may mga artista at celebrities na gumawa ng ingay at naging matunog sa nakalipas na taong 2008, meron ding mga SALITA na naging makahulugan at nag-iwan ng malaking impact sa mundo ng showbiz nu’ng 2008.
Heto ang choices namin ng SHOWBIZ WORDS OF 2008:
PERIAMPULLARY -- uri ng kanser (na tumutubo sa may ‘ampulla’ o ducts sa pagitan ng liver at pancreas) na ikinamatay ng aktor na si Rudy ‘Daboy’ Fernandez nu’ng Hunyo 7 sa edad na 55.
PORTACATH -- isang makabagong medical device na inilagay sa dibdib ng actor-rapper na si Francis ‘Kiko’ Magalona para sa chemotherapy treatment sa kanyang sakit na leukemia, na natuklasan nang magpatingin siya sa mga doktor sa Medical City nu’ng Agosto.
ANGIOPLASTY -- medical procedure na ginawa sa bokalista ng bandang pupil at dating frontman ng Eraserheads na si Ely Buendia, na hindi nagawang tapusin ang reunion concert ng E-heads nu’ng Agosto dahil sa kanyang heart condition. Sumailalim din sa ganitong procedure ang beteranong aktor na si Eddie Gutierrez sa St. Luke’s nu’ng Nobyembre.
SIKO JEWEL -- kakatwang tawag kay Bubbles Paraiso matapos nitong sikuhin si Jewel Mische sa isang GMA-7 event nu’ng Oktubre. Nag-deny si Bubbles na siniko niya si Jewel, pero pinatotohanan ni Jewel na ang nasabing insidente.
ASWANG -- tawag ni Joey de Leon kay Pokwang, na ikinaiyak ng komedyana sa Wowowee.
LOSER! -- pang-asar na tukso ni Angelina (Ogie Alcasid) sa kanyang karakter na yaya (Michael V.) sa hit na hit na ‘Ang Spoiled’ segment ng Bubble Gang.
SUNDANCE -- kakaibang sayaw na pinauso ni Sarah Geronimo sa blockbuster movie nila ni John Lloyd Cruz na A Very Special Love, ang topgrossing film ng 2008.
DONGYAN -- tawag sa fans ng Dingdong Dantes-Marian Rivera loveteam. Kung tawagin ang avid fans ng dalawa ay DONGYANATICS.
RHIANATICS -- tawag sa makukulit na supporters ni Rhian Ramos na walang ginawa kundi mag-email ng kung anu-ano sa mga showbiz writer.
UPLOAD -- ginawa ng online fans sa videos nina Charice (Pempengco) at Arnel Pineda sa YouTube kaya nakilala ang dalawa at naging instant international singing sensations.
BLACKOUT -- titulo ng Bench Underwear and Denim show ng Bench sa Araneta Coliseum nu’ng Hulyo, na hindi sinipot ng Bench endorsers na sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz kaya pinalakpakan nang husto ang bagong Bench Body hunk na si Dingdong Dantes.
TWILIGHTERS -- taguri sa mga na-hook sa nobela at pelikulang Twilight, kabilang na ang maraming young stars na haling na haling sa nasabing vampire romance. Ang isa pang tawag sa kanila ay FANPIRES.
DREAM MATCH -- pamagat ng makasaysayang laban nina Manny Pacquiao at Oscar de la Hoya sa Las Vegas nu’ng Disyembre, kung saan bugbog-sarado kay Pacman si Golden Boy, na na-TKO matapos ang makapigil-hiningang 8 rounds.
SMILE -- facial expression ni Karylle sa isang showbiz talk show na ikina-offend at ikinaiyak ni Marian Rivera sa presscon ng isa niyang pelikula.
PLASTIKADA -- mataray na tawag ng isang beteranong manunulat kay Marian, na sinabi niya mismo sa mukha ng aktres dahil sa hindi raw magandang ginawa ni Marian nang minsan magpa-autograph siya rito.
VIDEN -- pinagsamang pangalan ng magkasintahang Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho na naghiwalay bago nagtapos ang taon dahil umano sa sex video ng suicidal doctor cum aspiring singer/TV actor na si Hayden kasama ang ibang babae.
Ang runaway winner para sa amin bilang SHOWBIZ WORD OF 2008 ay…
SULSOLTANT -- clever title na ginamit ng movie producer turned manager ni Gabby Concepcion na si Mommy Rose Flaminiano bilang pang-okray sa kaaway niyang si Nadia Montenegro na wala raw ginawa kundi sulsulan ang kaibigang si Gabby.
Ang isa pang variation nito ay BADVISER (o ‘bad adviser’)
~Allan Diones
PLASTIKADA mas sumikat kesa sa SULSOLTANT o BADVISER imho
ou nga ...
PLASTIKADA evah !!!!!!!!!!!!!
meron palang RHIANATICS na nageexist d2..@!!
mas sikat ang PLASTIKADA...tagus sa puso kasi eh! hahaha
LOL ang mga 0a TWILIGHTERS ang mga screaming fangirls ni edward cullen na di alam na yung movie ay walang wala sa original book.
PLASTIKADA-COZ ITS REAL AND its TRUE AND INFAIRNESS BAGAY NMN sa kanya...!!!
divah..!!
wers GABBY CONCEPCION now? laos na uli.