TV5's Revenue, Up By 40 Percent!
Ang pagiging number 3 sa latest survey ang balita na gustong iparating sa lahat ng TV5. Sa report ng TV5, naging malakas ang hatak ng kanilang network mula nang magkaroon ito ng bagong image at programming noong August 2008.
Bumagay raw sa TV ang slogan na “Shake Mo TV Mo” dahil malakas ang epekto nito sa viewing habits ng manonood at suportado ito ng official data ng National Urban Television Audience Measurement (Nutam) mula sa AGB New Media Research data.
Nakapuwesto ang TV5 sa No. 3 spot sa local network ranking. Ayon sa data, nagtala ang TV5 ng nakabibilib na 600% increase in magnitude of audience share mula nang i-launch ito.
Ang pagtaas ng viewership ng TV5 ay humahatak din sa revenue ng network, na nagtala ng halos 40% increase at month-on-month growth na 47% noong November, ang highest growth rate sa lahat ng key free-to-air network players.
Ang pagtaas ng viewership at advertising profit ay isang magandang indikasyon na natumbok ng TV5 ang hinahanap na makabagong panlasa ng mga Pilipino sa pamamagitan ng naiibang programming lineup na rumerespeto sa sensibilidad at talino ng mga manonood na matagal nang naghahanap ng alternatibo sa mga formula at halos pare-parehong palabas sa telebisyon.
~Jojo Gabinete
go TV5
akala ko palugi na ang TV5 kase dinemanda ng GMA-7:
BLIND item: “Nakanganga!”
’Yan ang isang salitang namutawi sa mga labi ng isang kaibigang nagtatrabaho sa isang tv station.
Itinanong kasi namin kung kumusta ang kanyang Pasko.
“Walang pera, kasi, hindi pa kami sumusuweldo. Lahat ng involved na production staff at artista ng mga show na produced ng isang kumpanya. Sabi, sa January pa raw kami makakasingil.
“’Kala ko naman, malaking kumpanyang handang sumugal at mahaba ang pisi, hindi naman pala. Pero sige, pagbigyan. Ipinagdarasal na lang namin na mabayaran na kami sa January para hindi kami nakanganga!”
Gano’n ba ’yon? Nakaka-Shake, Rattle & Roll! naman ang balitang ito.
Sana hindi true.
tv5 lugi na magsasara na next week
ang galing ng tv5. mabuhay kayo. malaki ang potential nyo. kung advertiser lang ako, magiinvest ako sa inyo.