CRISTINE REYES AND MOM, NAGKASAKITAN DAHIL SA PERA
>> October 23, 2008 –
Cristine Reyes
UMABOT sa physical harm ang gulong nangyayari sa pamilya ni Cristine Reyes.
According to showbizjuice sources, bago nangyari ang suicide attempt ni Cristine noong September 30, nagkaroon ito ng matinding sagutan with her mom. Na umabot na sampalan.
Pera ang dahilan ng madalas na pag-aaway ng mag-ina. Madalas daw isumbat ni Cristine ang perang ibinibigay nito sa ina.
“Binibilang niya at hinahanap kung saan napupunta ang pera that she gives her mom,” says our source.
At dahil sa nangyaring away nina Cristine and mom, na-depress ang sexy actress at uminom ito ng pabango at lumaklak ng Medicol.
Mga kasamahan sa bahay ni Cristine ang nagsugod dito sa ospital.