2008 MMFF's First Day Ticket Sales Up By 14%
Patuloy na patok sa takilya ang mga comedy films na “Iskul Bukol: 20 Years After" at “Tanging Ina Nyong Lahat" sa ginaganap na Metro Manila Film Festival o MMFF.
Sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabing kumita ng P20.9 milyon ang opening day ng MMFF nitong Disyembre 25 ang “Tanging Ina" at nakadikit naman ang “Iskul Bukol" na may P18.9 milyong kita.
Pumangatlo naman ang horror film na “Shake Rattle and Roll X" na kumita ng P13.1 milyon, at sinundan ng “Desperada", “Baler," “One Night Only," Dayo" at “Magkaibigan."
Ayon sa executive committee ng MMFF, tumaas ng 14 porsyento ang gross sales sa tickets ng opening day ng film festival kumpara noong nakaraang taon.
“We are glad na maganda ang takbo. Suportahan na lang na natin dahil ang suportang ibibigay (ng mga manonood) is support to the whole film industry," ayon Ric Camaligan, myembro ng MMFF Execom.
Ayon kay Camaligan posibleng ang dalawang comedy films na “Iskul Bukol" na pinabibidahan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon; at ang “Tanging Ina" ni Ai Ai Delas Alas ang posibleng maglaban na sa takilya.
~Fidel Jimenez, GMANews.TV
oh ayan ha? galing Chika Minute yan!! pero si tandang Joey niyo nagbibitter na naman kanina sa StarTalk,
TALAGA?? ANO na naman sinabi niyang joeypanot na yan? na curious naman ako....
pakisabi sa kanya: Pag Talo, Talo!! =))
lolz what can you expect from that matandang hukluban? after ng opening last Christmas, biglang dumami na nga ang nagpapalabas na sinehan ng IB20 (most likely pinapalitan ang mga hindi kumikitang entries) pero hindi pa rin nila nakahabol ang kinikita ng TINL. but remember guys, malapit kay gloria arroyo si Tito Sen, kaya hindi na ako magtataka kung in the end ang IB20 ang i-declare nilang top grosser for MMFF 2008 at hindi ang TINL.
ano ba sinabi niya. masyado naman kayong judgmental baka puro hearsay lang yan. alam ko wala siya rito sa philippines, nasa hongkong yata siya.