Marian Rivera - 2008's Drama Queen?
>> December 21, 2008 –
Marian Rivera
MAPAPA-"OH, MY G!" ka talaga sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan nitong si Marian Rivera. Imbes na makatulong ang kanyang pag-iyak sa presscon ng Desperadas 2 sa pag-asang makakuha ng simpatya ay nakasama pa.
Kung anu-anong salita ang gustong ikabit sa kanya ngayon ng mga tao. Nandiyang negative, mataray, maldita, bastos, jologs, maledukada, at kung anu-ano pang pangit na paglalarawan sa kanyang ugali at pagkatao.
Unti-unti nang isinasalaysay ang mga kanegahan ni Marian. Nariyang umamin na ang isang beteranong reporter na siya mismo'y nakatikim ng pambabastos kay Marian nu'ng nagpapa-sign lang siya ng poster.
Nauna pa riyan, 'yung pagtataray niya sa isang miron sa taping ng Dyesebel kung saan kinukunan siya ng video sa cellphone at ito'y na-YouTube pa.
Aba, kahit kami, may karanasan din kay Marian... ‘eto ang kuwento...
NANDU'N KAMI SA launching ni Dingdong Dantes bilang pagwe-welcome dito as endorser of Belo Medical Group. Nandu'n kami sa aming table, maya-maya, may dumarating, palapit sa amin. Si Marian Rivera.
Humalik sa amin, sabay dayalog ng, "Naku, alam mo ba, si Tita Perla (Bautista), ang sabi sa akin, makinig daw ako sa radio program mo, dahil tinitira mo raw ako. Ang sabi ko sa kanya, ‘Hayaan n'yo na 'yon, hindi ko na pinapansin ang tira no'n?’"
Na-shock kami. Parang ang weird. Siya naman ang bumeso, tapos, me gano'ng dayalog? Honest? Hindi kami agad nakasagot, dahil mas nag-concentrate kaming isipin kung capable ba si Tita Perla na 'yun ang isumbong kay Marian kesa balikan ng taray ang Lola Marian n'yo.
‘Eto na, nagkita na kami ni Tita Perla. Ang sabi niya, "Anak, hindi gano'n ang pagkakasabi ko sa kanya. Ang sabi ko ke Marian, 'Makinig ka sa programa ni Ogie at may mga isyu sa 'yo at ipinagtatanggol ka niya!
"Anak, sa edad ko ba namang ito eh, lilikha pa ako ng away, hindi ba? Wala pa naman akong record na nagkaroon ako ng isyu sa showbiz. Pawang magagandang balita lang ang ibinabalita ko, hindi para pag-awayin ang mga tao!"
Mas naniniwala kami kay Tita Perla, dahil tulad nga ng sinabi ng beteranang aktres, kahit kailan ay wala kaming maisip na gumawa ng isyu si Tita Perla, samantalang si Marian? Eh, kayo na ang magsabi, kasi, baka hindi namin maidetalyeng lahat.
Oy, baka sabihin n'yo, nakiki-ride on kami sa Marian-Karylle issue, ha? Juice ko, ito'y napag-uusapan lang. Naalala lang kasi namin ang aming karanasan kay Marian.
At kailangan pa ba naming magpakontrobersiyal eh, never naman kaming na-link ni Dingdong Dantes kahit itanong n'yo pa sa kanya.
Mag-i-smile lang 'yon.
~Ogie Diaz