Bangungot ni Marky Cielo, Pinagdudahan
>> December 9, 2008 –
GMA-7,
Manny Pacquiao,
Marky Cielo,
StarStruck
NGAYONG hindi pa lumalabas ang official na statement tungkol sa pagkamatay ni Marky Cielo, iba’t-ibang ispekulasyon at pagdududa ang naglalabasan.
Hindi na lang namin isusulat ang iba’t ibang pagdududa na naririnig namin mula sa iba’t ibang tao, bilang respeto na rin sa naiwan niyang pamilya.
At sa totoo lang, mahirap magbigay ng komento sa mga ganitong sitwasyon. Pero, base sa pagkakakilala ng showbiz kay Marky, maituturing na isa siya sa may pinakamalinis na imahe sa showbiz.
Ni minsan ay hindi naiugnay ang pangalan niya sa droga, sigarilyo, o alak.
Hindi rin siya mahilig gumimik, hindi mahilig sa basag-ulo, at madalas ay nasa bahay lang siya.
Hindi rin nakitaan ng pagbabago si Marky kahit nung nanalo na siya sa Starstruck ng GMA 7. At kahit dumami ang shows niya sa Siyete noon, hindi pa rin nabahiran ng mantsa ang image ni Marky.
Sa totoo lang, tahimik ang buhay ni Marky sa loob at labas ng showbiz.
Nung ma-interview namin kamakailan si Marky sa presscon ng LaLola, sinabi niya na hindi siya nagmamadaling sumikat. Gusto raw niya ay hinay-hinay lang, pero desidido siyang magtagal sa showbiz.
Mabait na kapatid din si Marky, dahil nung nasa showbiz na siya, tumulong siya sa pag-aaral ng kanyang nakababatang kapatid.
Nalulungkot lang ako na hindi masyadong napag-usapan ang pagkamatay ni Marky noong Sunday, dahil nakasabay `yon ng panalo ni Manny Pacquiao sa laban nila ni Oscar dela Hoya.
Halos gabi na nung Sunday nung malaman ng maraming tao na patay na si Marky. May isang kaibigan nga kami na kahapon lang nag-text sa akin, at nagsabi na nalulungkot siya sa pagkamatay ni Marky. Ibinoto raw niya ang binata noong lumaban ito sa Starstruck.
Sa totoo lang, madaling mahalin si Marky, dahil bukod sa pagiging magalang nito, hindi niya ikinahihiya ang kanyang pinagmulan.
Noon pa man, proud na proud si Marky sa pagkakaroon niya ng lahing Igorot.
Hiling lang namin, tumigil na sana ang ibang tao sa pagpapakalat ng tsismis tungkol sa pagkamatay ni Marky. Mas maganda kung ipagdasal na lang natin ang katahimikan ng kanyang kaluluwa.
~REY PUMALOY
nagbigti daw siya???? totoo ba yun? kase sa video na pinakita naka cover yung leeg niya. tapos ayon sa news nakita siya ng mama niya nakahandusay sa lapag. Ano kayang nangyari.
awww parang gaya si marky pagkamatay ni rico yan
si rico ay binabangongut din at shakah si markyyyyyy din ohhhhhh gush bakit pa ung kinukuhaaaaaa mga cute my iba naman bakit sila pahh hayyyyyyyyyyy buhay talaga,,,,,,,,
ohh jesus cristttttt plssssss stay marky and rico in my life thats is very impotant of me.......
oo na important na sila^^ fuck you men at saka hindi nag bigti si marjy cielo pinatay ko siya
ay sorry marky pala....................^^ lolozzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz