Carlo Guevarra in Desperadas 2
Kung hindi raw si Ogie Alcasid ang kahalikan ni Carlo Guevarra sa Desperadas 2, baka hindi siya pumayag na gawin ang eksenang `yon. Sabi ni Carlo, matagal na niyang idol si Ogie at alam niyang comedy ang gagawing eksena kaya pumayag siya.
At para hindi maka-offend sa mga bading, hindi na lang nag-comment si Carlo sa tanong, na kung bading ba ang kahalikan niya ay papayag ba siya? Sa halip, tinuro niya ay ang Star Magic na siyang dapat daw mag-decide para sa kanyang career.
Anyway, inamin ni Carlo na naloka siya nu’ng isalang siya sa halikan nila ni Ogie sa unang araw ng syuting niya sa Desperadas 2.
“Hindi kasi sinabi sa akin na may halikan. So, nu’ng nalaman ko, nagulat talaga ako. Tapos, first day ko pa `yon. Pero, okey lang naman, nag-aprub naman ang handler ko. Atsaka, smack lang naman `yung kiss.
“Nakakatuwa nga kasi in character talaga si Kuya Ogie,” sabi ni Carlo.
Limang beses daw kinunan ang kissing scene nila ni Ogie. At nailang talaga si Carlo sa simula, dahil first time raw niyang makakahalikan ang kapwa niya lalake.
Pero, nu’ng tumagal daw ay napalagay na rin ang loob niya, lalo na at inalalayan naman siya ni Ogie. Nakatulong din daw `yung pagiging komedyante ni Ogie, na parang balewala lang ang naturang eksena rito.
~Rey Pumaloy