Cristine Reyes, Bonggang-Bongga Sa Paggiling; Pokwang, Ginagaya Si Ai Ai De Las Alas
>> December 18, 2008 –
ABS-CBN,
Cristine Reyes
NAG-ABALANG pumunta ang mga solid Kapamilya fans sa Araneta Coliseum nu’ng Martes nang gabi para manood ng taping ng Pasko Na, Kapamilya! The ABS-CBN 55th Anniversary Christmas Special (na ipapalabas sa Sunday’s Best sa Disyembre 21).
Si Pokwang ang unang umentra para aliw-aliwin ang audience. Naka-gold gown ang hitad na tadtad ng Christmas lights. Pati ang nakaputong sa ulo niya na tila replica ng Big Dome ay may Christmas lights din.
Halatang ginagaya ni Pokwang ang antics ni Ai Ai de las Alas, pati na ang mga outlandish costume at headdress na pinauso nito, pero pagdating sa pagpapatawa ay malayo pa ang hahabulin ni Pokwang para makapantay sa Comedy Queen.
Dire-diretso na ang show pag-exit ni Pokie. Sina Rachelle Ann Go at Mark Bautista ang lumabas habang umaawit ng Christmas songs, na sinundan nina Michael Cruz, OJ Mariano, Frenchie Dy, Nikki Bacolod, Jerome Sala at Kris Lawrence.
Sing din ang mga bagets na sina Sam Concepcion at Makisig Morales, kasama ang iba pang tsikiting ng Little Big Star at PDA Little Dreamers. Join din sa awitan ang mga taga-PDA 2 sa pangunguna nina Bugoy at Laarni.
Kasali rin sa mahabang medley sina Yeng Constantino, JR Siaboc, Ronnie Liang at Irish Fullerton ng PDA 1, at ang mga produkto ng unang Star In A Million na sina Christian Bautista, Sheryn Regis at Erik Santos.
May kulay ng Pasko na red, green at blue, na tinernuhan ng black ang kanilang mga outfit. Sa ending ay nagsama-sama silang lahat sa stage habang inaawit ang It’s The Most Wonderful Time of the Year at iba pang Yuletide carols.
Nagbigay ng welcome spiel ang presidente ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio, tapos ay diretso na loveteams segment. Isa-isang lumabas habang kumakanta sina Robi Domingo & Nicole Uysiuseng, Matt Evans & Meliss Ricks, Kim Chiu & Gerald Anderson, Jericho Rosales & Kristine Hermosa (na bumata ang itsura sa maiksi niyang buhok), Anne Curtis & Sam Milby (na tinilian ng fans) at John Lloyd Cruz & Bea Alonzo (na mas malakas ang tilian ng fans).
Si Toni Gonzaga ang nag-intro ng first VTR ng ‘Bayan ni Juan,’ ang advocacy na inilunsad ng Kapamilya network kaugnay ng kanilang 55th anniversary. Si Judy Ann Santos ang narrator sa nasabing video na ipinakikita ang iba’t ibang charity work ng Dos para sa mga kabataan.
After nito ay inawit nina Kevin Roy, Yael Yuson, Marc Abaya, Kitchie Nadal at Yeng Constantino ang official song ng Bayan ni Juan na Bagong Simula.
Nag-comedy spiel sina Empoy, Kitkat at Chokoleit bago in-intro ang next production number na medley ng mga awitin ni George Canseco.
Sama-sama rito sina Ronnie Liang, Richard Poon (na ang ganda ng timbre ng boses), Mark Bautista, Christian Bautista, Bugoy (na may sariling singing style), Erik Santos at Jed Madela (na pan-diva ang boses).
Maganda ang number na ‘yon kahit wala itong kinalaman sa Kapaskuhan.
Sina Vhong Navarro at Kuya Kim Atienza ang nag-intro sa kasunod na dance number na tampok ang nagseseksihang Banana Split girls kasama sina Priscilla Meirelles, Cass Ponti, Bangs Garcia, atbp.
Ka-join din dito si Cristine Reyes, na applauded ang paggiling at pagkembut-kembot sa kanyang gold two-piece costume. Hiyawan ang audience nang umentra ang Coverboys na sina Zanjoe Marudo, Jake Cuenca, Jon Avila, Victor Basa at Will Devaughn.
Nagpakitang-gilas ang topless na Coverboys sa pagbalanse, paglambitin at pagtiwarik sa mga nakabitin na rings.
~Allan Diones, Abante
Sexiest Pinay !!
Eva Fonda by ABS-CBN,,