Chris Tiu, wagi sa Nickelodeon Kids Awards
HINDI pa natatapos ang taon, nakatanggap na ng award ang basketbolistang si Chris Tiu. Binigyan ng award last Saturday si Chris ng Nickoledeon Kids Awards bilang Athlete of the Year.
Okay lang bigyan ng parangal si Chris Tiu, bukod sa pagiging team captain niya sa nagwaging koponan ng Ateneo Blue Eagles noong nakaraang UAAP sa basketball, consistent dean’s lister pa siya sa Ateneo de Manila University. Talagang huwarang athlete siya.
Anyway, TV host na si Chris ngayon. Siya’y may dalawang programa sa GMA7, ang Pinoy Records at Ripley’s Believe It Or Not na mapapanood ng Monday night.
NOEL ASINAS
Journal Online