Katrina, Aljur at Jewel, type kunin ng dos?
>> December 6, 2008 –
ABS-CBN,
Aljur Abrenica,
GMA-7,
Katrina Halili
Dahil sa isyung lipatan, may nagkuwento sa aking may ilang Kapuso talents na type daw kunin ng mga aga-Dos.
May ilang executives daw na type si Aljur Abrenica at siya raw ang pinapanood ng mga ito sa Luna Mystika.
Hindi ko tiyak kung sinong bading na taga-Dos ang may pagnanasa kay Aljur.
Meron din akong naririnig na pinagnanasaan din sina Katrina Halili at Jewel Mische ng ilang Kapamilya executives.
Hindi naman siguro mga bading ang may type sa kanila.
Tinanong ko si Aljur tungkol sa tsimis na iyan, pero mabilis ang sagot niyang masaya siya sa GMA 7 at wala sa isip niyang mangabilang-bakod.
Syanga pala, proud na proud si Aljur sa bagong kotseng binili niya na ginamit niya nu’ng nakaraang Star Awards for TV.
Haping-hapi siya dahil katas daw iyun ng mga pinagpuyatan at pinagpawisan niya sa mga trabaho niya sa GMA 7 at ilang raket.
ABU TILAMZIK
Abante Tonite