Jon Avila, Walang Pagmamahal Kay Rufa Mae Quinto!
>> December 21, 2008 –
MMFF,
Rufa Mae Quinto
Bagama’t plano ni Jon Avila na ligawan si Rufa Mae Quinto, sa ngayon daw ay wala pa siyang nararamdamang pag-ibig sa dalaga.
Mas maganda raw na maging magkaibigan muna sila ni Rufa Mae. At enjoy rin daw siya sa pagiging single niya ngayon.
Sabi ni Jon, bagama’t gusto na rin niyang magka-girlfriend, alam niyang makasisira `yon sa kanyang career.
“It’s hard to keep a balance life,” sabi pa ni Jon.
Payo namin kay Jon, huwag munang makipag-relasyon, at tumikim na lang muna ng iba’t ibang babae.
“Hindi ko gusto ang one-night-stand. I’m conservative. Ang last kong one-night-stand ay nu’ng nasa U.K. pa ako, at bata pa ako noon,” sagot niya.
Siyanga pala, kasama si Jon sa pelikulang One Night Only ng OctoArts Films.
~Rey Pumaloy