Kim Chui At Gerald Anderson, 8 Buwan Nang Mag-MU
>> December 18, 2008 –
ABS-CBN,
Gerald Anderson,
Kim Chui,
Tayong Dalawa
Sa wakas, unti-unti na ring nagiging very vocal sina Gerald Anderson at Kim Chiu sa kanilang relasyon. Kahapon, sa set visit ng Tayong Dalawa, pareho silang umamin na may MU (mutual understanding) na sila.
“MU, pero walang commitment,” sabi ni Kim. ’Yun nga lang, hindi nila masyadong matandaan kung kelan eksaktong nagsimula ang MU nila, pero say ni Gerald, six to eight months na siguro.
Inamin din ni Gerald that he really likes Kim at kaya MU pa lang muna ay dahil ayaw nilang madaliin ang mga bagay-bagay. So, ano ang sakop ng MU na ’yan kung walang commitment? Hanggang saan lang ang relasyon nila?
“Ano lang, dating lang,” say ni Gerald. Pareho ba nilang desisyon ang MU thing na ito?
“Well, wala namang pinag-usapan. Pero alam ko, kapag nakipag-date siya sa ibang lalaki, masasaktan ako at ’pag nakipag-date naman ako sa ibang babae masasaktan siya.” Pero dahil walang commitment, wala siyang karapatan na pagbawalan si Kim na mag-entertain ng ibang suitors or makipag-date, pero mabuti na lang din daw dahil hindi naman nito ginagawa.
Sa Tayong Dalawa, triangle sila nina Kim at Jake Cuenca. Ngayon pa lang, marami ang nagwo-worry na baka magselos ang Kimerald fans. Pero ayon kay Gerald, sana ay maintindihan ng fans dahil trabaho lang ito at for sure, magugustuhan ito ng Kimerald fans dahil napakaganda ng serye.
Sa Tayong Dalawa, ginagampanan nina Gerald at Jake ang papel na military men na pinag-aagawan si Kim. Kaya, pareho silang naka-crew cut. Kakaiba rin ang seryeng ito sa mga dati nang nagawa nina Kim at Gerald. This time, medyo mature na ang karakter nila. Sa serye, may kissing scene sina Jake and Kim, kaya tinanong namin si Gerald kung ano ang naramdaman niya.
“Hindi naman po ako nagselos kasi alam ko namang trabaho ’yon. Pinanonood ko nga po sila, nandu’n ako sa isang gilid habang tine-take. Supportive ako riyan kasi trabaho naman ’yan,” he said.
Magsisimula na sa Enero ang Tayong Dalawa at bukod sa tatlong bida, nasa cast din ang mga de-kalibreng artista tulad nina Helen Gamboa, Anita Linda, Gina Pareño, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Mylene Dizon, Coco Martin, Spanky Manikan, Jiro Manio, Miguel Faustman, Baron Geisler at Alessandra de Rossi.
~Vinia Vivar, Journal
i hope kim will gain more weight. she is so skinny as in, skin and bones no meat. i hope gerald will feed her until they will look good together as lovers or MU