.

Networks 'Battle' Over Coverage Of Marky Cielo's Wake

Ngayong araw, December 15, ay nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan ang young actor na si Marky Cielo. Pumanaw si Marky noong December 7 sa kanilang tahanan sa Antipolo City.

Bukod sa matinding dalamhati na nararamdaman ng kanyang pamilya, mga kamag-anak, mga kaibigan, mga nakatrabaho, at mga fans, nabahiran din ng kontrobersiya ang pagkamatay ni Marky. Nadawit na rin dito ang network war sa pagitan ng home network ni Marky na GMA-7 at ng ABS-CBN.

Noong Sabado, December 13, ay iniulat ng Startalk—ang showbiz-oriented show ng Kapuso network—ang diumano'y pagre-report ng ABS-CBN nang walang pahintulot mula sa pamilya ni Marky. Bukod pa raw rito ang pagpapakita ng mukha ng yumaong aktor sa loob ng kabaong sa isang news program ng Kapamilya network. Ito ay sa kabila ng pakiusap ng ina ni Marky na si Mrs. Mildred Cadaweng na huwag ipakita sa telebisyon ang mukha ng kanyang anak.

Sa panayam ng Startalk kay Mrs. Cadaweng ay ipinahayag niya ang kanyang sama ng loob sa aniya'y hindi pagsunod sa kanyang pakiusap.

"Nagtaka naman ako nang nalaman ko na lumabas sa news, nandoon yung mukha niya [Marky], kung saan, paulit-ulit akong nag-e-explain at humihingi ng paumanhin kung bakit ayaw naming pakuhanan ng picture... Bakit ginawa nila yun? Talagang masakit ang loob ko dun. Talagang masakit," saad ng ina ni Marky.

Networks 'Battle' Over Coverage Of Marky  Cielo's Wake

STARTALK'S STATEMENT. Bukod sa interview kay Mrs. Cadaweng ay nagbigay rin ng pahayag ang Startalk tungkol sa pangyayari, kung saan binatikos nila ang anila'y kawalan ng respeto ng kabilang istasyon sa pagdadalamhati ng pamilya ni Marky. Si Marky ay naging bahagi rin ng Startalk sa sa pamamagitan ng segment na "StruckAttack."

Narito ang kabuuang statement ng Startalk:

"Kapag biglang pumanaw ang isang taong hinahangaan, maraming tanong ang biglang lumalabas. Dala na siguro ng ating sakit ng loob at pangungulila, ang pangangailangan na biglang magkaroon ng kasagutan sa ating lungkot.

"Ang dalamhati na ating nararamdaman sa pagpanaw ni Marky Cielo ay may kaakibat din na tanong at isyu na pilit nating inaalam. Pilit na pinag-uusapan at nagiging sanhi ng mga haka-haka at palaisipan.

"Nandiyan ang mga isyu ng drug overdose, depression, at pati na rin ng suicide. Perhaps in their grief and in their disbelief, people have begun to look for signs and clues in the statements made by Marky's family members and friends.

"Pilit nating hihimayin, pag-uusapan, uungkatin ang mga statement na ito. Pilit nating babasahin ang mga gusto nating basahin. Pilit nating gagawan ng isyu ang isang pangyayaring dapat na lang nating tanggapin, pagdalamhatian, at ipagpasa-Diyos. Marahil ang marami sa atin ay tunay na nalulungkot at pilit naghahanap ng sagot para maibsan ang ating lungkot.

"Ngunit meron din namang mga naghahanap lang ng isa pang isyu para pagpiyestahan, pagkalibangan, gamitin, at tuluyan nang limutin. Mas masakit na sa pangangailan na magkaroon ng kuwento para sa mga palabas, pilit na nilalabag ng iba ang hiling ng pamilya ni Marky na sana'y galangin ang kanilang pagdadalamhati.

"Matapos dalhin ang labi ng pamilya ni Marky sa Cathedral of Resurrection sa Baguio City, ang labi ay iniuwi sa Barangay Sinto, sa bayan ng Bauko, Mountain Province. Dito sa bayan na minahal at kinalakihan ni Marky, dito ililibing si Marky sa likuran ng kanilang bahay. Ayon sa kaugalian ng mga Kankanaey.

"Paulit-ulit na humingi ng paumanhin ang ina ni Marky na si Mrs. Cadaweng. At sinong tao naman ang hindi maaantig at makakaintindi sa kanyang panawagan na huwag kunan ang labi ng kanyang anak bilang paggalang sa alaala nito? Ngunit ang paggalang sa basic human right to dignity ay pilit na nilalabag ng isang istasyon.

"Noong Huwebes ng gabi [December 11], sa kanya mismong tahanan, tuluyan nang nag-breakdown ang ina ni Marky dahil sa pilit na coverage na ginagawa ng isang istasyon. Lubhang ikinagulat ni Mommy Mildred ang pagkuha at pagpapakita sa labi ng kanyang anak.

"Nahuli ng mga kamera namin nang mag-breakdown ang iang dismayadong Mommy Mildred dahil sa itinuturing niyang invasion of privacy ng camera crew ng isang istasyon. Ngunit dahil sa mga dahilang maiintindihan, hindi na ito kailangang ipalabas pa.

"It is enough to state that a mother and family still coming to terms with the sudden loss of a beloved son, have had to content with the kind of pressure and anxiety that is, to say the least, inhuman.

"And what does this intrigues do for the memory of Marky Cielo, a young man who by all accounts tried his best to be a role model and a good human being? Nothing.

"The actions and statements of so many people trying to find the 'real' truth behind Marky's demise make him nothing but another scandal...another issue to be dissected, speculated on, and then forgotten.

"Ibinabandera sa mga plug ang mga ‘shocking truth,' ang mga tunay na dahilan, ‘isisiwalat' na ibubunyag tungkol sa pagkamatay ng binata. Kahit sinong tao ay mapapaisip, ano ang magagawa nito?

"Walang takot naming sasabihin: What is really shocking is that in order to get a story, the human right to privacy and dignity of family Cielo was totally disregarded.

"Walang takot naming sasabihin: Sana pinairal ang respeto.

"Ang tunay na kagimbal-gimbal ay hindi iginalang ang taus-pusong hiling ng isang nagdadalamhating pamilya. Na igalang ang isang alaala ng isang binatang pilit na nagpaka-tao sa masalimuot na mundo ng showbiz.

"A young life has been lost...and the lives of those who loved him have been affected. Kung minahal natin si Marky Cielo at hinangaan, tama lang na ipagdasal natin ang kanyang kaluluwa at ipagpasa-Diyos na ang kanyang maikling buhay at ang malungkot niyang kinatapusan.

"Goodbye Marky, maraming salamat sa maliwanag na sinag na ibinahagi mo sa amin. We have been sorry that your final journey has been marred by greed and insensitivity of others. Patawad Marky, maraming salamat."

http://i161.photobucket.com/albums/t207/kapamilyaddr1/abs-cbn.gif

ABS-CBN AIRS ITS SIDE. Kahapon naman, December 14, ay sinagot ng The Buzz ang akusasyon ng Startalk at ang naisulat ng isa sa mga host nitong si Lolit Soli sa kanyang column sa Pilipino Star Ngayon noong Biyernes, December 12, na nag-cause daw ng disorder ang crew ng The Buzz at Entertainment Live sa burol ni Marky.

Isang nagngangalang Marlon Escalona, crew member ng ABS-CBN, ang nagbigay ng kanyang panig kaugnay ng pangyayari sa burol ni Marky sa Mountain Province.

"Nakarating kami sa Mountain Province, 6 p.m," simula ni Marlon. "Sumalubong sa amin yung mga kaanak ni Marky Cielo. Pinakain kami, pina-kape kami. Kumbaga, e, in-entertain kami. So, malaki ang pasasalamat namin."

Pagkatapos nito ay ipinakita ang video kung saan nilapitan ng The Buzz si Mrs. Midlred Cadaweng upang humingi ng permiso para ma-interview siya

Sagot ni Mrs. Cadaweng: "Puwede kaya mag-wash up muna ako? That's what I was about to do. Aalis na ba kayo kaagad?"

"Actually nga," sabi Marlon, "niyaya nga kami ng the same family at tinanggap din kami pero hindi na kami makapag-cover dahil dumating na bigla yung mga labi ni Marky."

Patuloy niya, "Yung mga una naming nakuhanan sa Baguio, sa facade ng bahay nila Marky...hanggang doon na lang, e. Hanggang doon na lang ang kaya naming ibigay. Kulang, kulang ang shoot pero hanggang doon na lang para maging respeto sa pamilya ni Marky.

"Wala kaming hawak na video camera noong lumapit kami," paglilinaw ni Marlon. "Ibig sabihin noon ay wala kaming plano at wala kaming pakay na kunan yung lugar, yung burol ni Marky. Actually, pati kay Mommy talaga magpapasalamat kami."

THE BUZZ'S STATEMENT. Narito naman ang pahayag ng The Buzz tungkol sa paratang ng Startalk:

"Malungkot, dahil pinalaki lamang ng kabilang istasyon ang dapat lamang na tahimik na proseso ng pag-cover ng sensitibong balita, tulad ng pamamaalam ni Marky Cielo.

"Ang sa amin lang, kung inalam muna ng kabilang istasyon ang tunay na naganap. Sa likod ng kanilang mapang-akusang pahayag, hindi sana aabot sa ganito ang usapan.

"Ang sa amin lang, responsibilidad ng anumang media network, hindi lamang ng ABS-CBN, ang ihatid ang mga balita sa mga manonood—malaki man o maliit, sensitibo man o hindi.

"Hindi ito paglabag sa anumang batas. Hindi ito pagyurak sa pagkatao ninuman. It's everyone's freedom to know the latest news and it is our responsibility to get them and deliver them to the public.

"Ang sa amin lang, kung kinukuwestiyon ng kabilang istasyon ang kawalan daw ng respeto ng ABS-CBN, kawalan nga ba ng respeto ang paghingi ng paalam sa mismong kapamilya ng aktor upang sila ay ma-interview?

"Tanong, itratrato at tatanggapin ba kami ng kapamilya ni Marky ng ganito kainit, kung hindi namin sila binigyan ng kaukulang respeto? Sagot, we don't think so.

"Kararating lamang sa Baguio City, kaagad na nilapitan ng The Buzz at Entertainment Live si Mommy Mildred, ina ni Marky, upang mahingan ng pahayag. Kontra sa mga akusasyon ng kabilang istasyon, si Mommy Mildred, mainit din kaming tinaggap.

"Ang sa amin lang, malinaw itong paghingi ng paalam upang magbigay ng pahayag ang pamilya.

"Ang sa amin lang, iba ang paalam sa pumuwersa. Tumanggi man magpa-interview si Mommy Mildred, nakitungo kami nang husto at wasto, at isinukli sa amin ng pamilya ay husto at wasto rin. At aming taus-pusong ipinagpapasalamat.

"Ang sa amin lang, ang huling araw namin sa Benguet ay hindi na para mangalap ng anumang video o interview. Humarap kami sa pamilya upang magpasalamat sa pag-aalaga sa amin bilang taong nakikiisa at nakikiramay.

"Invasion of privacy ba makiramay? Pagyurak ba ito ng human dignity na paulit-ulit na deklarasyon ng kabilang istasyon?

"Ang sa amin lang, ang tahimik sanang natapos na gabi sa Benguet ay binigyan na ng kulay ng kabilang istasyon. Ito pala para sa kanila ang pagkawala ng respeto.

"Malungkot, dahil naroon kami pareho sa dalawang mahalagang pakay: Bilang mga alagad ng media, at bilang pakikiramay sa isang namayapang kasamahan sa industriya.

"Malungkot, dahil hindi ito nakikita ng kabilang istasyon. Bagkus, sa halip na mabigyan ng kaukulang respeto ang buong kaganapan, naging fiesta pa ito ng issue at kontrobersiya.

"Ang sa amin lang, humihingi po ng dispensa ang ABS-CBN sa pamilya at kaanak ni Marky Cielo. Para sa mga taong gumagawa ng malaking intriga mula sa isang simpleng sitwasyon. Nakakahiya po, dahil nagka-issue bigla ang walang ka-issue issue.

"Ang sa amin lang, hindi na ito issue kung ABS-CBN o GMA-7 ang unang makakuha ng istorya. Na tila puno't dulo ng kontrobersiya na sinimulan ng kabilang istasyon.

"Ang sa amin lang, muli natin balikan ang tunay na ibig sabihin ng respeto at dignidad. At nawa'y huwag gamitin ang mga salitang ito bilang bahagi ng script sa inyong mga programa.

"Kaibigan, respetuhan lang tayo sa trabaho at respetuhan lang po tayo bilang tao.

"Ang sa amin lang, salamat po ng walang hanggan at buong puso sa pamilya, kaanak, at kababayan ni Marky Cielo dahil tao silang nakitungo sa amin.

"Ang sa amin lang, ‘yan po ang tunay at payak na ibig sabihin ng salitang 'Kapamilya.'" -

~Rose Garcia & Elyas Isabelo Salanga



Anonymous –   – (Tuesday, December 16, 2008 12:48:00 AM)  

as usual pahiya naman ang startalk, pano puro kasinungalingan ang pinagrereport jan. pinapalaki ang issue.

this is the same shows na kung ano ano yung tsinismis nung namatay si rico yan, nanjan pa nun si osang, nanggagalaiti ang puta.

Wag na tayo magtaka dahil nanjan si scammer lolit solis, pati si walang pinagkatandaang joey de leon at ang baklang screaming faggot na si butch! ricky lo? laking abs-cbn yta yan.

at yung nagbo-voice over jan sa mga segments nila eh yung galit na galit kay john lapus, eto yung nasulat ni john sa blog nia sa pep.ph ewan ko ba kung ano yung pangalan ng baklng pangit na yun na kakairita ang boses niya. tangina nia.

Post a Comment

what can you say about this?! :)

ABS-CBN GMA-7 PBB Marian Rivera TV Ratings Movies TV5 Magazines Star Cinema Angel Locsin Videos Music Site News Awards Scandals Dingdong Dantes Piolo Pascual StarStruck MMFF Manny Pacquiao Asianovelas Kris Aquino Beauty Pageant Katrina Halili Sarah Geronimo Survivor Philippines Wowowee KC Concepcion Myx Richard Gutierrez Sam Milby Cristine Reyes Karylle Marky Cielo Anne Curtis Charice Pempengco Judy Ann Santos Sports Gerald Anderson Heart Evangelista John Lloyd Cruz Pinoy Fear Factor FHM GMA Films Hollywood Kim Chui Poll Angelica Panganiban Celebrity Feuds Joey De Leon Jericho Rosales Regine Velasquez Ruffa Gutierrez Viva Films ASAP Bea Alonzo Blind Item Jennylyn Mercado Regal Entertainment Robin Padilla Rufa Mae Quinto SOP Sam Pinto StarTalk The Buzz Willie Revillame Willing Willie Jake Cuenca Luis Manzano Politics Roxanne Guinoo Shaina Magdayao Sharon Cuneta Vice Ganda Aga Muhlach Andi Eigenmann Betty La Fea Celebrity Duets Entertainment Live Eugene Domingo Gretchen Barretto Komiks Presents Kristine Hermosa Mariel Rodriguez Ogie Alcasid Paolo Bediones Phil Younghusband Shalani Soledad Toni Gonzaga Aljur Abrenica Denise Laurel Gabby Concepcion Iza Calzado JM De Guzman Joey Marquez John Lapus Justin Bieber Kris Bernal LJ Reyes Ma. Venus Raj Maalaala Mo Kaya Mr. Fu Nadine Samonte Patrick Garcia Pokwang Sandara Park Selena Gomez Showbiz Central Sid Lucero Solenn Heusaff Star Circle Quest Tayong Dalawa Valerie Concepcion AJ Perez Agot Isidro Ai Ai delas Alas Albert Martinez Albie Casiño Alessandra De Rossi Alex Gonzaga Alfred Vargas Annabelle Rama Audie Gemora Bayani Agbayani Billy Crawford Binibining Pilipinas Boys Over Flowers Britney Spears Buboy Villar Carla Humphries Carlo Aquino Chito Roño Chris Brown Christopher de Leon Claudine Barretto Coco Martin Coney Reyes DJ Durano Danita Paner Derek Ramsay Diana Zubiri Diane Medina Diether Ocampo ETC Eat Bulaga Edgar Allan Guzman Endorsements Erik Matti Erik Santos Eula Valdez Gloria Diaz Hayden Kho JC de Vera Jackie Rice Jason Francisco Jeffrey Tam Jennica Garcia Jennifer Lopez Joey Reyes John Estrada John Prats Julia Montes Kathryn Bernardo Kean Cipriano Lady Gaga Lauren Young Lee Min Ho Lovi Poe Lucky Mercado Luis Alandy Maggie Wilson Mang Enriquez Marco Alcaraz Maria Venus Raj Mariah Carey Mark Bautista Marvin Agustin Matteo Guidicelli Maxene Magalona May Bukas Pa Megan Young Melai Cantiveros Melason Melissa Ricks Michael V Mikael Daez Miko Petito Nonito Donaire Paulo Avelino Princess Ryan Rachelle Ann Go Rainier Castillo Randy Santiago Raymond Isaac Rayver Cruz Rhian Ramos Rich Asuncion Richard Gomez Rodjun Cruz Rufa Mi Ryan Cayabyab Sexbomb Girls Sheena Halili Studio 23 Sugar Mercado Susan Roces TJ Trinidad TV Commercial Technology Vanessa Hudgens Vic Sotto Wanlu Wilma Doesnt Xyriel Manabat Yeng Constantino Zac Efron Zanjoe Marudo

Showbiz Updates



Twitter and Facebook!



Disclaimer:

All images are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted. All visual content is copyright to it's respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be promptly removed.

We are not responsible for content on any external website, and a link to such site does not signify endorsement. Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's proprietors do not make warranty as to the correctness or reliability of the site's content.

This blog is not affiliated in any way with ABS-CBN, GMA-7, TV5, NBN4, QTV, Studio 23, CS9, IBC-13, MYX, ETC, SBN 21 or even Net25, its affiliates and subsidiaries. To know more, please read this blog's Privacy Policy.

  © Blogger template Shush by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP