Raymond Bagatsing, nagpakasal sa lola niya?
IKINAGULAT ng iilan na lang mga reporters na kapanabayan ni Cora Pastrana ang balitang nagpakasal siya sa isang bagets pang maituturing, kumpara sa edad niya ngayon, na ayon kay Cora mismo, eh 60-years old pa lang siya (?)!
Siyempre, may halong inggit ‘yung sa ibang senior citizen dahil bukod sa bata pa ay guwapong-guwapo ang mister ni Cora in the person of Lara Fabregas’ ex-husband, Raymond Bagatsing!
Hindi kaya mainsulto si Lara Fabregas dahil ipinagpalit lang siya ni Bumbay (tawag namin kay Raymond) sa isang may edad na?
Nagsisimula pa lang tumahak sa hagdan ng kasikatan sina Nora Aunor at Vilma Santos nung makasama namin si Cora Pastrana na napasali pa sa FAMAS at nagtrabaho sa Camp Aguinaldo, hanggang sa nagkagulatan na lang kami nung magkita sa Los Angeles, na kung saan siya nagsusulat pa rin sa ilang Filipino newspapers sa L.A.
Ayon sa bespren ni Raymond sa L.A. na si Ace Cruz (na nakasama niya noon sa Viva films, at ngayon ay nagdidirek na ng mga “B” movies sa Hollywood, at kasama rin sa lahat ng movies na dinirek ni Ace doon si Raymond Bagatsing, bukod kay Richard Bonnin), “Hindi kami nagkita ni Raymond sa Los Angeles throughout his years of stay there. Busy raw kasi sa dami ng girlfriends niya.”
Nagulat pa nga si Ace nung sabihin namin ang kumakalat na tsismis sa grupo ng mga Pinoy gays doon na bakla na rin daw si Raymond, na bumigay na, na nagladlad na, na hindi naman namin pinaniniwalaan din!
Anyway, isa pa ring sorpresa para sa amin itong pagpapakasal ni Raymond kay Cora. Hindi kaya naghahanap talaga si Raymond ng mother figure?
Ano sa palagay niyo? Hindi kayo mapalagay? Same here!
ALFIE LORENZO