'P*tang-Ina Mo, Ano Gusto Mo?!' Says Pinoy In US-Released 'Skittles' Commercial - Reflect The Rainbow
Pinoy in new Skittles commercial! Have you ever thought when you are being tailored to fit a new suit, each mirror brings a different perspective of your life? Well, this guy had one perspective where Skittles was very important. One perspective was African-American, the other perspective was Hispanic, and the other one was Asian, Filipino to be exact.
The language spoken in the mirror is Tagalog, but the Tailor is speaking Thai.
HILARIOUS ang 2009 TV commercial ng Skittles (bite size candies na may iba’t ibang flavor) na may pamagat na Reflect The Rainbow at unang napanood sa Amerika sa 66th Annual Golden Globe Awards.
Popular na popular sa mga Pilipino ang TV ad ng Skittles dahil kasali rito ang Filipino stage actor na si Jonjon Briones. US-based na si Jonjon na gumanap bilang The Engineer sa Miss Saigon (Asia, London at Germany).
Isang taon na ang nakalilipas mula nang gawin ni Jonjon ang pinag-uusapan na TV commercial. Sulit ang kanyang matagal na paghihintay dahil malakas ang impact ng TV ad na hindi puwedeng ipalabas sa Pilipinas at kung maaari man, siguradong naka-bleep ang dialogue ni Jonjon.
Malutong na “P....i.. mo, ano ang gusto mo?” ang Tagalog dialogue ni Jonjon sa commercial. Siya ang gumanap na reflection sa mirror ng American guy na nagpapasukat ng damit sa isang Asian guy tailor.
Sa eksena, nagalit ang sastre nang makita nito sa reflection ng salamin na kumakain si Jonjon ng Skittles. Sinaway ng sastre ang mirror reflection na nangatwiran na nagugutom siya.
Nagalit ang tailor pero sinabayan ito ng galit ni Jonjon na nagmura sa wikang Pilipino at tinadyakan ang salamin na ikinabasag nito.
Dahil hilarious ang TV ad, hindi ito nakakasawa na panoorin, kahit nagmura ang karakter na ginampanan ni Jonjon.
Nagpapalitan na kami ni Jonjon ng message at one of these days, ibabahagi namin sa inyo ang kuwento ng pagkakapili sa kanya para maging lead star ng Skittles commercial.
~Jojo Gabinete, Abante
yeah abit funny but i didnt get the part where he said the P.I word!
grabe ang init naman ng ulo ng pinoy na yan! eh gutom ako eh, putang ina mo ano gusto mo!!!
haha! gutom nga naman siya.....
di ko to maget's sorry hahaha!
ako rin di ko ma-gets.
unless the commercial is trying to insinuate that when Filipinos are hungry, we must eat or else world war na ito!
ganun ba tayo ka desperate/war-freak kapag gutom?
baka magrally rally na naman ang mga super oa na pinoy sa us ha? tantanan nio ko!!!!!!!
i know righttt?? rally na naman nga! ^^
yup. d ko get5s at first. watch it over again. GUTOM XA EH. PAKAININ MO.KAWAWA NAMAN.HAHA