Cristine Reyes & Carlo Aquino - Tumbok
Former child star, Carlo Aquino and FHM's Finest Cristine Reyes teams up for their first horror movie together entitled Tumbok.
"Ang Tumbok ay 'yong madalas nating marinig na kasabihang malas daw ang bahay mo kung tinutumbok nito ang kalye, o kahit ang mga pinto ng bahay na tumbok sa hagdanan o stairway.
Mag-asawa po kami dito ni Cristine Reyes. Member ako ng SOCO team at isa naman siyang bored housewife. Lumuwas po kami ng Manila mula sa province pagkatapos ipamana sa akin ng tatay ko itong bahay. Pero 'yon nga, malas daw itong bahay dahil ang mga rooms daw, tumbok sa katapat na room, kaya bumuhos din ang malas sa amin. May mga nakikita kami, sinusundan kami ng patay.Hindi ko na po muna ikukuwento ang story, pero sinisiguro naming magugustuhan ito ng mahihilig sa horror movies," assured Carlo Aquino.