'The Buzz' Denies Disrespecting Marky Cielo's Wake In Baguio
>> December 15, 2008 –
Marky Cielo,
The Buzz
Show business talk show “The Buzz” on Sunday denied allegations that its staff disrespected the family of Marky Cielo while covering the wake of actor in Baguio.
The show pointed out that its staff never forced Cielo’s mother, Mildred Cadaweng, to grant them an interview amid accusations that they created the scene while covering the wake.
“Malungkot dahil pinalaki lamang ng kabilang estasyon ang dapat lamang ay tahimik na proseso ng pag-cover ng sensitibong balita tulad ng pamamaalam ni Marky Cielo,” the show said in a statement.
The Buzz’s Marlon Escalona said he and his crew did ask Cielo’s mother for an interview but when Cadaweng begged off because she had to do something they respected her request.
Escalona said the staff could no longer interview Cadaweng after Cielo’s body arrived in Baguio.
“Actually niyaya kami ng the same family. Pinakape kami pero hindi kami nakapagkape dahil dumating na bigla ‘yong labi ni Marky Cielo,” he said.
The Buzz, meanwhile, apologized to Marky Cielo’s family after they were dragged into the issue.
_________
The Buzz answers Star Talk’s accusation of disrespect at Marky Cielo’s wake
Sinagot ng The Buzz kahapon ang akusasyon ng Startalk, isa sa entertainment talk shows ng kabilang istasyon, na diumano'y nanggulo ang staff ng The Buzz at Entertainment Live sa burol ng yumaong batang aktor na si Marky Cielo sa kanyang hometown sa MountainProvince.
Nauna noong Biyernes, December 12 ay naglabas ng kolum si Lolit Solis, isa sa mga hosts ng Startalk, at inakusahan ang crew ng dalawang showbiz-oriented shows ng ABS-CBN sa pangugulo sa nasabing burol. Nanindigan ang management ng The Buzz na walang dudang pinalaki lamang ng show sa kabila ang sitwasyon upang gumawa ng intriga. "Responsibilidad ng alinmang media network, hindi lang ang ABS-CBN ang ihatid ang mga balita sa manonood malaki man o maliit, sensitibo man o hindi. Hindi ito paglabag sa anumang batas, hindi ito pagyurak sa pagkatao ninuman. It is everyone's freedom to know the latest news and it is our responsibility to get them and deliver them to the public," pauna na ng statement ng The Buzz.
Ipinakita rin ang footage kung saan maayos at nakangiti pang nakipag-usap si Mildred, butihing ina ng yumaong aktor, sa staff at crew ng The Buzz at E-Live. Nakiusap ang nanay ni Marky kung makapaghihintay pa ang crew at humingi ito ng pasensiya kung hindi man. "Tumanggi mang magpa-interview si Mommy Mildred nakitungo kami nang husto at wasto. At ang isinukli sa amin ng pamilya, husto at wasto rin na aming taos-pusong ipinagpapasalamat," ayon pa sa The Buzz statement.
Ipinaliwanag din ni Marlon Escalona, segment producer ng The Buzz, na kasama ng grupo na malugod pa silang pinakitunguhan ng mga kaanak ni Marky. "Nakarating kami saMt. Province ng 6 PM. Malugod sa amin 'yung mga kaanak ni Marky Cielo. Pinakain kami, pinagkape kami, kumbaga in-entertain kami. Talagang malaking pasasalamat namin sa kanila."Inamin ng segment producer na hindi nila lubos na nakunan ang mga kaganapan.
"I honestly believe na kulang 'yung kuha namin, pero hanggang dun na lang, bilang respeto sa kanila 'yon." Sinabi ng management na ang crew ay humarap sa mga kapamilya at kaanak ng pumanaw na aktor noong huling gabi nila upang magpasalamat sa mainit na pagtanggap at walang hawak na camera. "Ito pala para sa kanila ang kawalang respeto. Malungkot dahil naroon kami pareho sa iisang pakay; bilang mga alagad ng media at bilang pakikiramay sa isang namayapang kasamahan sa industriya. Malungkot dahil hindi ito ang nakita ng kabilang istasyon sa halip na mabigyang respeto ang buong kaganapan ay naging piyesta pa ito ng isyu at kontrobersiya.”
Narito pa ang kabuuan ng statement ng The Buzz ukol sa issue:
"Humihingi po ng dispensa ang ABS-CBN sa pamilya at kaanak ni Marky Cielo. Para sa mga taong gumagawa ng malaking intriga mula sa isang napakasimpleng sitwasyon. Nakakahiya po dahil nagka-isyu bigla ang walang ka-isyu-isyu. Hindi na ito isyu kung ABS-CBN o GMA-7 ang maunang makakuha ng istorya, na tila puno't dulo ng kontrobersiyang sinimulan ng kabilang istayson. Muli nating balikan ang ibig sabihin ng respeto at dignidad at nawa'y huwag nang gamitin ang mga salitang ito bilang bahagi ng script ng mga inyong programa. Kaibigan, respetuhan lang po tayo sa trabaho. Respetuhan lang po tayo bilang tao. Salamat po nang walang hanggan at buong puso sa pamilya, kaanak at kababayan ni Marky Cielo. Dahil tao silang nakitungo sa amin. 'Yan po ang tunay at payak na ibig sabihin ng salitang kapamilya."
~Bernie Franco
epal talaga mga kapusucks.
jusko pati patay, pinagdadamot pa. bwisit na ratings yan/
bk8 p kya nla pinag tatalunan ang patay sna man lang patahimikin n ninyo ang kaluluwa ni marky!
sana pamasko nyo na sa pamilya ni marky ang pagiging tahimik ninyo
hahamakin ang lahat para sa ratings!! akala ko ba may dayaan dun, inconsistent talaga.
nku..... hindi pa rin natin alam ang tunay na dahilan kung bakit pamanaw ang ating idolong c marky cielo.........
sana naman ay malaman natin ang tunay na dahilan,,,,
hay naku ang startalk pala away talaga
irespeto nyo nman ang patay!! kung kayo ang mamamatay tapos di kayo rerespetuhin magiging masaya ba kayo?????? hah????????? mga tanga!!!!!!! bobo!!!!!