Marky Cielo's Mother Angered By Unauthorized Coverage Of Her Son's Wake
>> December 15, 2008 –
Marky Cielo,
StarTalk
Sa report ng Startalk ng GMA-7 kahapon, December 13, isiniwalat nila ang diumano'y walang pagtigil na pagre-report sa burol ng yumaong aktor na si Marky Cielo at ang walang pahintulot na pagpapalabas ng mukha ng aktor sa loob ng kabaong sa isang news program ng ABS-CBN. Ito ay sa kabila ng pakiusap ng ina ni Marky na si Mrs. Mildred Cadaweng na ayaw niyang makita sa telebisyon ang mukha ng anak na nasa loob ng kabaong. Isang simpleng pakiusap lang daw ito mula sa nagluluksang ina.
Pagkatapos ng pagkuha nang walang pahintulot mula sa burol ni Marky sa Antipolo City, sumunod pa rin daw ang staff and crew ng dalawang showbiz-oriented shows ng ABS-CBN hanggang sa Baguio, kung saan pansamantalang ibinurol si Marky bago dalhin ang kanyang bangkay sa Mountain Province.
Ipinalabas ng Startalk ang video footage ng pagsunod ng isang van na may logo ng ABS-CBN hanggang sa Mountain Province, kung saan nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan si Marky. May mga saksi raw na nakausap ang staff ng Startalk na ang sinasabi raw ng staff at crew ng ABS-CBN ay may utos daw sa kanila ang mismong executive producer ng kanilang show na huwag silang bababa ng Manila hangga't hindi nakukuhanan ng panayam si Mrs. Cadaweng.
Namataan din ang staff ng ABS-CBN na umaaligid sa bakuran ng tahanan nina Mrs. Cadaweng, marahil ay para makuhanan ulit si Marky sa loob ng kabaong at mahingan din ng interview ang ina nito.
Yun nga lang, sa labis na sama ng loob ay nagdesisyon na ang ina ni Marky na kausapin ang staff at crew ng ABS-CBN para lisanin na ang lugar. Pagkatapos nito, saka pa lang nagpasyang umalis ang staff at crew ng ABS-CBN.
Live namang nag-report ang isa sa mga host ng Startalk na si Butch Francisco mula sa Mountain Province kahapon. Live din niyang nakausap si Mrs. Cadaweng pagkatapos ipalabas ang video clip, kung saan kinausap ng ina ni Marky ang staff at crew ng ABS-CBN.
Ayon kay Butch, sa Antipolo pa lang ay nakiusap na si Mrs. Cadaweng na irespeto at huwag nang kunan ng video o picture ang mukha ng anak habang nasa kabaong. Tatlong beses din daw itong sinabi ng mommy ni Marky sa Baguio, bago pa ilagak ang bangkay ng anak sa Mountain Province.
Ngayong araw na ito, December 14, eksaktong isang linggo na ang nakararaan mula nang sumakabilang buhay si Marky. Kaya hindi kataka-taka kung pagod na rin si Mrs. Cadaweng, lalo na sa mga hindi mapakiusapan sa konting kahilingan nila.
Tinanong ni Butch si Mrs. Cadaweng kung saan siya humuhugot ng lakas sa gitna ng matinding dagok na ito sa kanilang buhay.
"Unang-una, sa kanya [Marky] pa rin," sabi ni Mrs. Cadaweng. "Siyempre, nandito kayong lahat, relatives ko. Mga panalangin ng mga kaibigan, mga panalangin natin. Nakakatulong yun, pero unang-una, sa kanya pa rin.
"Kung nakita n'yo siya sa kabaong niya, yung kanyang tahimik, at peace na ipinapakitang face, sa akin ay yun ang nagbibigay ng lakas na he's okay. He's fine at wala akong dapat ipagalala sa kanya."
Ayon kay Butch, naging maayos naman daw ang paglilipat ng mga labi ni Marky from Antipolo to Baguio to Mountain Province. Maliban nga lang sa natunghayang pangyayari between Mrs. Cadaweng and the staff and crew of ABS-CBN's showbiz talk shows.
Kaya tinanong muli ni Butch si Mrs. Cadaweng kung ano talaga ang hinihiling nito sa media.
"Yun kasi, dapat yun, hindi nangyari. Kasi ako lang naman, paulit-ulit, sa Antipolo, sa Baguio, nag-e-explain ako, nakikiusap ako, huwag sana siyang kuhanan ng close-up na mukha.
"Sa totoo lang, ang kapatid ni Marky at siya, lumaki na magkasama. Nagkakaintindihan sila kung ano ang gusto at ayaw nila. Ang kapatid niya ang nagsabi sa akin na, ‘Ayaw ni Kuya.' I think, sa ngayon, pagbigyan naman natin siya.
"I think, sa buong buhay niya, tayo ang pinagbibigyan niya, pinapasaya, yung kaligayahan natin ang kanyang inuuna. Sana ngayon, siya naman ang ating pagbigyan. ‘Yan, sinusuportahan ko ‘yan. Kasi alam ko na yung kapatid niya, alam ko na alam kung ano ang gusto ng kapatid niya.
"Sabi ko nga, kapag inilibing na natin siya, ayoko nang makita sa Internet or sa ano... Yung inspirasyon na ibinigay niya sa atin, yun na lang ang ating dadalhin. Nagtaka naman ako nang nalaman ko na lumabas sa news, nandoon yung mukha niya, kung saan paulit-ulit akong nag-e-explain at humihingi ng paumanhin kung bakit ayaw naming pakuhanan ng picture.
"Bakit yung ordinaryong tao, naiintindihan naman nila? Hindi sila... Bakit ginawa nila yun? Talagang masakit ang loob ko dun. Talagang masakit," hinaing ng ina ni Marky.
May pakiusap din si Mrs. Cadaweng na ihihinto muna ang public viewing ngayong gabi para magkaroon naman sila ng private moment sa mga huling sandali. Pero ire-resume daw ang public viewing bukas, December 15, bago ang libing ng bandang alas-dos ng hapon.
GMA-7 OFFICIAL STATEMENT.
Samantala, dahil na rin sa napakaraming ispekulasyon at haka-haka na nagsilabasan kaugnay ng biglaang pagpanaw ni Marky noong Linggo, December 7, sa kanilang tahanan sa Antipolo City, nag-isyu ng official statement ang GMA-7 sa pagpanaw ng Kapuso star at StarStruck Batch 3 Ultimate Sole Survivor.
Narito ang official statement ng GMA-7 na binasa sa Startalk kahapon, December 13:
"GMA mourns the sudden loss of Mark Angelo Cadaweng Cielo, or Marky Cielo, to his showbiz colleagues.
"A young man who has truly become more than a valued homegrown talent of the Network, but a son whose dreams should have been realized further if not for his sudden departure from us last Sunday, December 7, 2008.
"During his brief and borrowed life, Marky has been an inspiration to many; a young man who was proud of his Filipino roots, who set a good example to the modern youth, and who had high regard for his family, his tremendous potentials, camaraderie, and respect for his mentors in the industry truly made us proud of having him as our Kapuso, the Ultimate Sole Survivor as how he was once so famously called.
"For all the good memories he left, he will forever be adored and surely be missed.
"We share our prayers and condolences to the family and friends of Marky.
"May his soul, through the mercy of God, rest in peace."
~Rose Garcia
rest in peace. MARKY/