JC De Vera, Tinalo Si Dennis Trillo!
>> December 15, 2008 –
GMA-7
MABUTI naman at wala ang dalawang artista ng Star Cinema na sina Gerald Anderson at Kim Chiu nu’ng preskon ng “Shake, Rattle & Roll X”. Dahil kung nandun sila, baka mapahiya lang ang dalawa. Eh kasi naman, ang bulto ng mga reporters ay si JC de Vera ang pinagkaguluhan.
Tinutukso namin si JC De Vera na libreng-libre siya ng gabing ‘yun kasi wala ang manager niyang si Annabelle Rama, at wala rin ang kinatawan nitong si Jun Lalin, at wala rin ang assistant ni Lalin na si Al.
Pero, may disiplina na siguro sa sarili niya itong si JC de Vera, dahil napagkatiwalaan na siya ng manager niya. Tumalab na siguro sa kanya ang pangaral naming “career muna bago ligawan”. Pansinin niyo at mabilis ang akyat niya sa hagdan ng stardom.
Napansin din ng ibang reporters ang aura ni JC de Vera na tumutumbok na sa pagiging isang matinee idol. May solo primetime teleserye na si JC de Vera, ang LaLola.
Nagkapangalan si JC sa mga pang-afternoon soaps at bigla siyang inakyat ng GMA network sa primetime. Mataas ang rating ng “LaLola” at nagpapataasan sila sa ratings ng “Luna Mystica” at “Gagambino”. Ang tatlong teleserye na ‘yan ang lumalampaso nang husto sa katapat na programa nila. Kasi nga halos perfect na ang likha ng mga computer-generated characters ng mga GMA Fantaserye.
Heto at parang si JC de Vera pa ang magdadala sa box-office ng “Shake, Rattle & Roll X”, at sigurado na ito sa top three position among the MMFF entries.
Habang tinitingnan si JC de Vera ng isang taga-ABS-CBN na kaupo namin sa Starbucks Cafe sa ibaba ng Imperial Palace Suites ay naibulalas nito na, “next in line na si JC. Kaliga na siya nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes. Na-edge out nga niya si Dennis Trillo sa number 3 position sa top-raters ng GMA network, debah?”
Kailangan pa ba naman akong tanungin, eh alaga ni Annabelle Rama si JC de Vera and with Richard Gutierrez, sinandwich nila si Dingdong, huh! Mailaglag kaya ni JC si Dingdong sa number 2 slot nito? Abangan ‘yan!
~ALFIE LORENZO
ang gwaapppooo! syet, parang puro bold star ang nandito sa website na to HA? bakit puro Hubad dito. more papa JC aylabeet :P
i love his role sa LaloLa!! ang cute nia!!!;;)