Katrina Halili Denies Involvement In Vicki Belo-Hayden Kho Breakup!
>> December 21, 2008 –
Katrina Halili
Nagsalita na ang Kapuso star na si Katrina Halili tungkol sa pagkakadawit niya sa hiwalayan ng magkasintahang sina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho.
Naglabasan sa mga pahayagan na si Katrina umano ang sinasabing kinahuhumalingan ni Hayden na ikinagalit ni Dr Vicki. Lumabas rin sa mga ulat na may sex video pa umanong hawak ang doktora na hindi naman kumpirmado.
Sa entertainment talk show na “Startalk" ng GMA-7 nitong Sabado, sinabi ni Katrina na nagkausap na sila ni Vicki at wala namang away sa pagitan nilang dalawa.
“Wala po," sagot ni Katrina nang tanungin ng Startalk host na si Butch Francisco kung ano ang masasabi ng aktres sa pagkakadawit nya sa hiwalayan nina Vicki at Hayden.
“Kaya nandito po ako ngayon kasi ayoko na pong palakihin ang isyu. Nag-usap na kami ni Dr Bello OK naman po kaming dalawa. Kung magsasalita ako hahaba lang po nang hahaba e wala naman talagang problema," paliwanag ni Katrina, isa sa mga bida sa film fest movie na “One Night Only."
Maging ang isa pang Kapuso star na si Ruffa Mae Quinto na unang nadamay sa hiwalayan nina Vicki at Hayden ay nagsalita na rin at itinangging may relasyon siya kay Hayden.
Sinabi niyang posibleng may nagbigay lang ng malisya nang minsan biruin sila ni DJ Mo sa isang okasyon pero wala raw iyon.
Nananatili raw endorser at modelo ng Bello Medical group si Katrina na patunay na walang problema sa kanila ni Vicki
~Fidel Jimenez
halerrr, nagdeny pa ang makating babaITAng to, hello as if wala kang history ng ganian
Ang dineny ni KH ay walang away na nagyari sa kanila ni Belo. She did not deny na nagka sexual relationship sila ni HK. Malamang kinausap siya ng kalmado ni Belo at di sinigawan dahil edukada ang dra at di na siya pumalag dahil bistado siya.
Wala ngang away pero mukhang nagka confrontation at bukuhan. Sino pa kaya ang sinasabi ni Vicki na girl with a K in her name?
Actually may nagkalat na si KC Concepcion daw. Mukhang trying to steer trouble away from KH ang kampo ni landi. Si KC ba naman i pin point!? Hahaha
no matter what KAtrina Halili is Philippines' sexiest women, godesss!