Marian Rivera, Todo-Shopping Sa Tate!
>> December 14, 2008 –
GMA-7,
Marian Rivera
FEEL sana ni Marian Rivera na magtagal pa sa USA pagkatapos ng kanilang concert ni Dingdong Dantes na Let’s Celebrate sa Los Angeles, California, para magbakasyon. Pero, kailangan na niyang makabalik agad sa Pilipinas dahil marami pa raw siyang tatapusin na commitments.
Kaya hindi nga raw nag-aksaya ng mga araw roon si Marian at ginugol niya agad sa pamamasyal at pagsa-shopping, kasama ang kanyang manager na si Popoy Caritativo.
“Itinuring ko na ring bakasyon ang pagpunta ko sa US. Sunud-sunod din ang mga naging trabaho ko kaya medyo magpapahinga ako.
“Mabuti rin iyon para gumaling agad ang paa ko,” sabi ni Marian.
Bukod nga sa sisimulan na ang bago nilang TV drama sa GMA-7 ni Dingdong na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, ay dalawang pelikula ang lalagariin niya sa promo, ang Desperadas 2 with Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado at Ogie Alcasid; at ang Nieves na episode ng Shake, Rattle & Roll X.
Pinakana-excited nga raw si Marian sa Nieves ng SSR X dahil for the first time ay all-out na comedy ang ginawa niya, kahit na ang role niya ay isang killer ng mga halimaw. Kasama niya sa naturang episode sina Diana Zubiri at Robert “Buboy” Villar.
“Iba ang Nieves. Kahit na naaksidente ako sa set, enjoy akong gawin kasi nga puro katatawanan. Iba siya sa Desperadas na may comedy at may drama. Dito sa Nieves, sobrang tawanan lang kami kasi sa mga eksena namin ni Buboy at Diana,” sabi pa ni Marian.
~RUEL MENDOZA
LINSYAX! pati ba naman to binabalita?? eh yung yaya ko rin ngshopping sa us eh anong say ni odun??
nothing new naman no.
oo naman. sa mga cheapangga na fans ni marian, enjoy na nejoy sila na malaman na nagsha shopping sa US ang cheapangga nilang idol no! hahaha